Filtered By: Showbiz
Showbiz

Carla Abellana admits ongoing relationship problem with Geoff


Kasabay ng pagtanggi na may romantikong namamagitan sa kanila ni Sid Lucero, inamin naman ni Carla Abellana na dumaan sa pagsubok ang relasyon nila ni Geoff Eigenmann – na pinsan ni Sid. Sa showbiz talkshow na StarTalk TX nitong Sabado, mariing pinabulaanan ni Carla na pinopormahan siya ni Sid na co-star niya sa film fest movie na Shake, Rattle and Roll XII. Ang pagporma umano ni Sid kay Carla ang dahilan kaya nagkaroon ng alitan ang magpinsan. “’Yon nga hindi ko alam kung bakit, walang ganun," paglilinaw ni Carla. “Si Sid Lucero is committed to somebody else for a long time now…walang ganun, sobrang kulitan lang kami." Gayunman, inamin ng Kapuso star na may pinagdadaanang problema ang relasyon nila ni Geoff. Una rito, inihayag ng ama ni Carla na si Rey “PJ" Abellana, ang pagtutol na makipagrelasyon ngayon ang anak. “It’s true Geoff and I are going through difficult times now, may mga problema kaming inaaayos namin ngayon. Pero normal lang naman ‘yon sa kahit sinong couple," pahayag niya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinabi ng young star na kailangan nilang lutasin ni Geoff ang problema at hindi nila pagkakaunawaan. Kung nagpahayag ng pagtutol si PJ sa pakikipagrelasyon ni Carla kay Geoff, tila boto naman ang ina ng aktres na si Rhea Reyes sa binatang anak nina Gina Alajar at Michael De Mesa. Inilarawan ng ina ni Carla si Geoff na, “perfect gentleman at very nice," at nanggaling sa mahusay na pamilya. Sa kabila nito, tumanggi si Carla na magbigay ng pahayag tungkol sa pagtutol ng kanyang ama sa relasyon nila ni Geoff. “Sa totoo lang ayokong nang mag-comment about my dad. I love my dad, I respect my dad, he’s a text a away. Kung ano man ang tampuhan na ‘yan we’ll settle it off cam," pahayag ng aktres. Bukod sa pakikipagrelasyon, hindi rin umano nagustuhan ni PJ na pagbili at paglipat ni Carla sa sarili nitong bahay nang hindi ipinapaalam sa kanya. Samantala, nagtataka naman ang ina ni Carla kung bakit naging biglang interesado umano si PJ sa lahat ng bagay tungkol sa kanilang anak nang pumasok na ito sa showbiz. Sinasabing dalawang taon pa lamang umano si Carla nang maghiwalay ang mga magulang niya at lumaki ang aktres sa kanyang lola. – FRJimenez, GMANews.TV