Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Maguindanao Massacre: Revisiting the Case and the Province


Episode on November 30, 2010 Tuesday after Saksi! MAGUINDANAO MASSACRE: ANG KASO AT ANG LALAWIGAN November 23, 2010, naganap ang pinakamalagim na election-related violent incident sa kasaysayan - ang Maguindanao Massacre. Ito ang mapait na pangyararing kumitil sa buhay ng limampu't walong katao kabilang ang tatlumpu't dalawang mamamahayag. Makalipas ang isang taon, nananatili sa kulungan ang pamilyang sinasabing nasa likod ng krimen - ang ilang miyembro ng makapangyarihang angkan ng mga Ampatuan. Sa kabila nito, tila nakabaon pa raw sa hukay ang hustisyang inaasam ng pamilya ng mga biktima. Hanggang ngayon, wala pang nahahatulan sa kasong ito at marami pang mga may posibleng kinalaman sa krimen ang nananatili sa laya. Habang malayo pa ang tatahakin ng kaso, nananatili ring mailap ang kaunlaran at kapayapaan sa lalawigan. Mamamayani na lang ba sa takot at pangamba ang mga residente sa lugar? Maigagawad nga ba ang katotohanan at katarungan sa mga biktima?
Tags: , maguindanao