Filtered By: Showbiz
Showbiz

Geoff Eigenmann and Carla Abellana settle their differences


Masayang ibinalita ng magkasintahang Geoff Eigenmann at Carla Abellana na tapos na ang hindi nila pagkakaunawaan. Gayunman, tahimik pa rin ang dalawa na direktang sabihin kung ano ang naging ugat ng kanilang problema. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na tinapos nina Carla at Geoff ang kanilang problema bago tumulak patungong US ang aktor para asikasuhin ang kanyang green card doon. Sa Christmas party ng management company ni Geoff, sabay at magkahawak ng kamay na dumating ang dalawang Kapuso stars. (Basahin: Carla Abellana admits ongoing relationship problem with Geoff) “Masaya, walang galit ‘di ba? Walang galit sa isa’t isa, clear yung minds namin, open yung minds namin sa mga bagay-bagay," pahayag ni Carla sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sambit naman ni Geoff: “Well actually we never stop communicating naman kahit na may mga nangyayari, pinag-uusapan pa rin namin." Sa kabila nito, hindi naman binanggit ng dalawa kung ano talaga ang naging dahilan ng kanilang problema. Pero hindi umano ito tungkol sa napabalitang selosan o pagtutol ng ama ni Carla na si Rey “PJ" Abella na makipag-relasyon ang anak ngayon. “May mga things lang na hindi kami sanay sa isa’t isa or things that are minsan mga bagay na okey sa’ken, ‘di okey sa kanya. May mga bagay na okey sa kanya, ‘di okey sa’ken," paliwanag ni Geoff. Idinagdag nina Geoff at Carla na marami sila natutunan sa pinagdaanan nilang problema. - FRJ, GMANews.TV