Filtered By: Showbiz
Showbiz

Child star Jillian Ward charms Primetime Queen Marian Rivera


Maging ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay hindi nakaligtas sa karisma at kakulitin ng child star na si Jillian Ward. Magkakaroon ng special appearance si Marian sa Kapuso Christmaserye na Jillian: Namamasko Po. Sa naturang serye, ginagampanan ng child star ang role ng isang manika. Sa pagdalaw ng GMA News sa set ng christmaserye, nakita ni entertainment reporter Audrey Carampel kung gaano ka-close agad ang dalawa kahit first time pa lang nilang nagkatrabaho. “Sobrang kulit," bungad na paglarawan ni Marian kay Jullian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. “Pero in fairness naman kapag nagro-roll (na) ginagawa naman niya ang dapat niyang gawin." Habang ginagawa ang panayam kay Marian, tila naglalaro naman si Jillian na tumititig at inilalapit ang mukha sa dalaga. Ayon kay Marian, kapag walang eksena ay nagkukuwentuhan lang sila ni Jillian o kaya naman ay nanonood ng movies. Madalas din siyang magpa-picture at ipinapadala niya ang larawan sa nobyong si Dingdong Dantes via SMS.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nang mabanggit si Dingdong at itanong kung kilala ba niya ang nobyo ni Marian, umiral na ang kakulitan ni Jillian. “Boyfriend nyo pa po ba?," tanong ni Jillian kay Marian matapos ang mahabang pag-iisip. “Ano po niyo? Ano niyo siya?" “Friends lang kami," pabiro at natatawang sagot naman ni Marian. “Bakit po kayo bagay?," usisa uli ng child star na nagpatawa sa aktres. At nang tanungin si Jillian kung gusto niya si Dingdong para kay Marian, sagot ng bata: “ Oo naman po siyempre kasi bagay po sila ‘di po ba?" Sa susunod na linggo ay makikita na kung ano ang magiging character ni Marian sa Jillian: Namamasko Po. Pero ngayon pa lang, hangad na ni Marian na sana ay maulit ang pagsasama nilang dalawa ni Jillian. – FRJimenez, GMANews.TV