Filtered By: Showbiz
Showbiz

Survivor Philippines: Aubrey Miles is the last member of the Jury


Matapos ang dalawang botohan sa final elimination sa Top 4 castaways sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, napatalsik si Aubrey Miles at nawala ang pag-asa na maging unang Celebrity Sole Survivor. Sa Live finale ng Survivor Philippines nitong Biyernes, binilang ng host na si Richard Gutierrez ang resulta ng huling botohan sa Tribal Council. Kasama sa mga bumoto ang anim na Jury members at apat na natirang castaways na sina Aubrey, Akihiro Sato, Solenn Heussaff at Ervic Vijandre. Ang naalis sa Top 4 castaways (na si Aubrey), ang huling magiging member ng jury at pipili ng first Celebrity Sole Survivor na magwawagi ng P3 million cash prize. Sa unang botohan, kapwa nakakuha ng tig-dalawang boto sina Solenn at Ervic, habang tig-tatlong boto naman sina Audrey at Akihiro. Dahil dito, nagkaroon ng bagong botohan para pumili ng patatalsikin sa pagitan nina nina Aubrey at Akihiro. Matapos ang botohan, nakakuha ng limang boto si Audrey. Makakasama ni Aubrey sa Jury sina Jon Hall, Michelle Madrigal, Aira Bermudez, Moi Marcampo, Elma Muros, at Ahron Villena. - FRJimenez, GMANews.TV