Filtered By: Showbiz
Showbiz

Vic Sotto: 'I’m not a good adviser as far as marriage is concerned'


Kaugnay sa nalalapit na kasal ng kanyang anak na si Oyo Boy Sotto kay Kristine Hermosa, inamin ng comedian na si Vic Sotto na hindi siya ang tamang tao para magbigay ng payo pagdating sa pag-aasawa. ‘I don’t think I’m a good adviser as far as marriages is concern," pahayag ni Vic nang tanungin ni Ricky Lo, host Startalk TX nitong Sabado. “Basta I’m not the type na makikiaalam sa pamamalakad ng buhay. Ang style ko kasi dito lang ako kung kailangan mo," dagdag ni Vic. Hiwalay si Vic sa kanyang asawa na si Dina Bonnevie – na ina ni Oyo Boy. Naugnay din ang tinatawag na “Bossing" sa showbiz industry sa iba’t ibang babae, na ang pinakahuli ay ang television host na si Pia Guanio na kasama niya sa Eat Bulaga. Gayunman, sinabi ni Vic na malalaman lamang ng dalawang magpartner ang diskarte sa kanilang pagsasama kapag ganap at lubusan na silang nagsasama. “Basta ang very important word, compromise," bilin niya. Nang tanungin ni Ricky kung may balak pa rin ba si Vic na mag-asawa kahit naunahan siya ng anak, tugon niya: “Mag-asawa? darating ‘yan. Para sa akin kung darating, darating."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV May bagong admirer si Pia? Muli ring naitanong kay Vic kung ano na ang tunay na estado ng kanilang relasyon ni Pia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil ang balitang nagkakalabuan na sila at may bagong admirer ang dalaga. “We’re good, as we always say we're good. Kung ano ang mga nasabi namin nung araw, yun na ‘yon," ayon sa aktor. Sinabi pa niya na napagkasunduan nila ni Pia na huwag nang pag-usapan pa ang naturang bagay. Kasabay nito ay tiniyak ni Vic na ipapaalam niya sa publiko kung magkakaroon man ng malaking pangyayari sa kanilang relasyon. Pero nang tanungin ni Ricky ang tungkol sa umano’y bagong admirer ni Pia, sagot ni Vic: “I don’t know, siya ang tanungin mo d’yan ‘di ako." Sa kabila ng mga balitang nagkakalabuan ang dalawa, sinabi ni Vic na posibleng kasama rin niya si Pia ngayong Pasko tulad noong nakaraang taon. Pagkatapos ng Pasko ay bibiyahe umano si Pia sa ibang bansa kasama ang pamilya nito pero hindi siya makakasama dahil hindi siya nakakuha ng Visa. Tradisyon na umano niya na makasama ang mga anak at mga kapatid tuwing Kapaskuhan, bukod pa sa pagiging abala sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF). Ngayon taon, kasali sa MMFF ang pelikula na pinagtatambalan nila ni Sen Bong Revilla Jr. na, Si Agimat at si Enteng Kabisote. “Katulad ng ibang Christmas, it will be a festival Christmas for our moviegoers, para sa mga kababayan natin," ayon kay Vic. Biggest film Itinuturing naman ni Vic na pinakamalaki niyang pelikula ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, na unang pagsasama nila ni Sen Bong – na katulad niya ay hit din sa takilya ang mga isinasaling pelikula sa MMFF. “Sa palagay ko," tugon niya nang tanungin kung malalampasin ng Agimat at Enteng ang kita sa mga nakaraan niyang entries sa MMFF. “I’m expecting na doble ang magiging resulta nito. I think this is my biggest movie." Idinagdag ni Vic na naging maganda ang bonding nila ni Sen Bong sa paggawa ng pelikula dahil marami umano silang pagkakatulad pagdating sa trabaho. Kabilang umano rito ang pagiging seryoso at walang reklamo pagdating sa trabaho, at pagiging workaholic. - FRJimenez, GMANews.TV