Filtered By: Topstories
News

Winning ticket sa 6/55 Grand lotto draw tinangay daw ng apo


MANILA – Isang lola ang nagtungo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City para kumbrahin ang pinakamalaking sa jackpot prize sa kasaysayan ng lotto sa bansa. Ngunit hindi nakuha ng lola ang premyo na mahigit P741 milyon dahil nabigo itong ipakita ang ticket na nagtataglay ng winning combination ng 6/55 Grand lotto draw (11-16-42-47-31-37) na lumabas noong Nobyembre 29, ayon kay Atty. Jose Malang ng PCSO.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kuwento umano ng lola na galing daw sa Zambalez, pinatayaan niya sa kanyang apo ang limang tikcet ngunit apat lang daw ang ibinigay sa kanya. Nagkataon na ang ticket kung saan nandoon ang winning combination ang hindi umano ibinigay sa kanya ng apo. "Sabi ko lola, this is a police matter. Kung totoo na sinasabi niyo na niloko kayo ng apo niyo i-report niyo sa pulis," pahayag ni Malang, manager, internal audit ng PCSO. Una rito, inihayag ng PCSO na ang tumama sa naturang draw ay tumaya sa Olongapo City, Zambales. Ang nanalong kombinasyon ay mula sa tinatawag na “lucky pick" o numero na mismong computer ang pumili. Iginiit ng PCSO na ipagkakaloob lamang nila ang premyo sa taong makapagpapakita na hawak nila ang ticket sa nagtataglay ng nanalong kombinasyon. - GMANews.TV