Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ogie Alcasid defends father's appointment


Inihayag ni Ogie Alcasid na kuwalipikadong humawak ng posisyon sa gobyerno ang kanyang ama. Habang nakiusap naman ang life partner ni Boy Abunda na huwag ring intrigahin ang pagkakatalaga niya sa puwesto. Sa ulat ng primetime newscast ng GMA 7 na 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni Alcasid na wala siyang kinalaman sa pagkakahirang sa puwesto ng kanyang ama na si Atty. Herminio Alcasid Sr. Itinalaga ni Pangulong Noynoy Aquino III, ang nakakatandang Alcasid bilang miyembro at chairman of the board ng PNOC Development and Management Corp. Ayon kay Ogie, posibleng nakita rin umano ni Energy Secretary Jose Rene Almendras ang mga karanasan ng kanyang ama kaya binigyan ito ng puwesto sa gobyerno. “I’m very proud kasi you know my dad is in his 70’s. And at this point in his life given a post like that, I think it a great opportunity for him to do something…he can serve the country in his capacity at his age," ayon sa Kapuso star.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Si Ogie ay isa lamang sa mga sikat na artista na tumulong sa kampanya ni Aquino sa nakaraang May 2010 presidential elections. Sa hiwalay na ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, nagsalita rin si Bong Quintana – life partner ng television host at talent manager na si Boy Abunda – kaugnay sa pagkakatalaga naman niya bilang vice president for entertainment ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor). Tulad ni Ogie, sinuportahan din ni Abunda ang kandidatura ni Aquino – kapatid ni Kris Aquino na malapit na kaibigan television host-manager. Ayon kay Bong, may karanasan siya sa kanyang trabaho dahil ilang taon din niyang pinamahalaan ang ilang proyekto ng Pagcor tulad ng show na “Wonders." “Basta ang intensiyon ay totoo, tunay at taos, you have nothing to worry. May konting puhunan naman tayo in terms of knowledge," pahayag nito. Pinabulaanan din ni Bong ang mga intriga na gagamitin niya ang kanyang posisyon para bigyan ng trabaho ang mga alaga nila sa talent agency ni Abunda.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Paliwanag ni Bong, kumalas na siya sa kanilang kumpanya ni Abunda mula nang tanggapin niya ang posisyon sa Pagcor. Iginiit nito na malinaw ang kanyang layunin na i-promote ang kultura at sining ng bansa bilang pinuno ng entertainment agency ng Pagcor. Nagpahayag naman ng kasiyahan si Ogie sa ipinakitang pagmamalasakit ni Bong sa OPM o Original Pilipino Music na dati niyang pinamumunuan. Ayon kay Ogie, kaagad umanong tumawag sa kanya si Bong nang mahirang ito sa Pagcor at nagtatanong kung papaano makatutulong sa pagsusulong ng OPM. - FRJImenez, GMANews.TV