Filtered By: Topstories
News

Tabloid photojournalist nakipagbarilan sa mga pulis, 2 sugatan


MANILA – Dalawang tao ang sugatan matapos makipagbarilan ang isang tabloid photojournalist sa dalawang pulis sa Maynila nitong Biyernes ng hatinggabi. Sa ulat ng dzBB radio nitong Sabado, kinilala ang photojournalist na si Jasper Barcelon, ng pahayagang Abante, at residente sa Sampaloc, Maynila. Batay sa inisyal na imbestigasyon, nakaengkuwentro umano ni Barcelon ang mga pulis na sina PO3 Arthur Martinez at PO1 Arnul Gregorio. Dinala sa ospital dahil sa tama ng bala si Martinez at ama ni Barcelon na si Roberto, na tinamaan ng ligaw ng bala.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon sa ulat, sinita ng isang kapatid ni Barcelon sina Martinez at Gregorio nang umihi ang mga ito malapit sa bahay ng photojournalist. Kasunod nito ay bumunot umano ng baril ang mga pulis at pinaputukan ang bahay ng mga Barcelon. Dahil dito, napilitan si (Jasper) Barcelon na gumanti ng putok sa mga pulis na hindi umano nakauniporme nang maganap ang insidente. Sa hiwalay ng ulat ng QTV's Balitanghali nitong Sabado, sinabi ng isang residente na si Barcelon umano ang nagpasimula ng gulo. "Kaya po lumapit yun para mamagitan bilang isang pulis kahit nakasibilyan na sila, para maayos agad ang sitwasyon. Ang sagot mo nun,’ kahit sino ka pang pulis ka kahit anong ranggo mo papatanggal kita sa serbisyo," kuwento nito. – GMANews.TV
LOADING CONTENT