Filtered By: Showbiz
Showbiz

Apl.de.Ap to spend Christmas in the Philippines


Sa Pilipinas pa rin nais ni Apl.de.Ap, miyembro ng sikat na grupong Black Eyed Peas, na ipagdiwang ang Pasko ngayong taon. Sa panayam ni GMA News reporter Ian Cruz, sinabi ni Apl (Allan Pineda sa totoong buhay), na walang katulad ang Pilipinas pagdating sa pagdiriwang ng Pasko. “Its just, the felling of Christmas in the Philippines is different in anywhere else. It’s so festive and the family getting together," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Ipagpapatuloy pa rin umano ni Apl ang pamimigay nila ng kanyang pamilya ng mga regalo sa mga mahihirap na kababayan sa Angeles City, Pampanga, at maging sa mga katutubo doon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Apl, sila mismo ng kanyang ina ang nagtutulong-tulong sa pagbalot at paghahanda ng mga regalo katulad ng mga damit at pagkain. Bukod sa pamamahagi ng regalo, magsasagawa rin ng mga benefit concert si Apl. Kabilang na ditto ang concert sa Cebu sa Sabado (Dec 18), New Fort sa Pasay City (Dec 22), at sa Angeles City (Dec 25). “This very important to be to give back and remember where I came from and help my other Filipino people," dagdag ng sikat na international singer. – FRJImenez, GMANews.TV