Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ex-EB Babe member now ‘Mocha’ girl Mae, cries sexual harassment


Sumugod sa himpilan ng pulisya sa Pasay City ang dating member ng EB Babe group ng Eat Bulaga na si Mae Dela Cerna upang ireklamo ang isang lalaki na nanghipo umano sa kanyang dibdib. Kasama ni Mae – miyembro na ngayon ng grupong Mocha, na nagtungo sa Police Community Precinct 11 sa Pasay, ang co-member na si Jhane Santiague. Kuwento ni Mae kay GMA News reporter Ian Cruz, nakasalubong nila ang lalaki na kanyang inirereklamo sa isang gimikan sa nabanggit na lungsod.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Nagulat po ako kasi nakayuko po ako, hawak-hawak ko po yung bag ko. Nakayuko po ako tapos bigla na lang pong may sumalubong, ang lakas po nang pagkakahawak niya kaya nagulat po ako. Sobrang bastos po," reklamo ni Mae sa panayam ng GMA News nitong Sabado. Idinagdag naman ni Jhane na balak pa raw saktan ng lalaki si Mae pero humarang ang kanilang manager. Ngunit ang manager naman daw nila ang napag-initan ng ibang lalaki. Bagaman itinanggi ng lalaki ang alegasyon, umiiyak naman itong nagmamakaawa kay Mae. Sa kabila nito, desidido si Mae na turuan ng leksiyon ang lalaki. Ayon sa isang pulis, mahaharap ang lalaki sa kasong acts of lasciviousness. – FRJ, GMANews.TV