Filtered By: Showbiz
Showbiz

Black Eyed Peas' apl.de.ap wants to marry a Filipina


Kahit sikat sa abroad, Filipina pa rin daw ang nais mapangasawa ng Pinoy international singer na si Apl.de.ap ng grupong Black Eyed Peas. Nasa Pilipinas ngayon si Apl.de.ap (Allan Pineda sa tunay na buhay), para dito ipagdiwang ang Pasko at magsagawa ng mga concert para sa tinutulungan nitong foundation. Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi ni Apl.de.ap na kasama sa kanyang tinutulungan ay ang mga katutubong Aeta na nakakasama noon ng kanyang lolo sa pagsasaka. Sa kanyang courtesy call naman kay Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III nitong Huwebes, iminungkahi ni Apl.de.ap. ang ilang charity projects na nais niyang gawin sa Pilipinas. Kabilang dito ang "Second Room Program" para lumikha ng karagdagang silid-aralan. Ang naturang proyekto ay sinuportahan ng kanyang APL Foundation at pribadong sektor.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang mga silid-aralan ay itatayo sa Pampanga, ang lalawigan kung saan siya isinilang. At nang tanungin sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras kung kamusta naman ang kanyang love life, sagot ng international singer, “None at the moment. I been checking out some ladies, some of the actresses I been watching." Hindi pa umano alam ni Apl.de.ap ang mga pangalan ng mga artistang napapanood niya. “I been here for a couple of days, I been watching and ooh who’s that?," kuwento niya. Gusto raw niya na Pinay ang kanyang mapangasawa dahil malambing at maganda ang mga ito. Ikinuwento rin ni Ap.de.ap kay Aquino na may ginawa siyang video na nagpo-promote sa turismo ng Pilipinas. - FRJimenez, GMANews.TV