Filtered By: Topstories
News

Reporter na nanalong Best Director sa MMFF


Kilala niyo ba kung sino ang broadcast journalist na nanalong Best Director sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na ginagawa taun-taon? First directorial job ng GMA News reporter na si Cesar Apolinario ang pelikulang Banal nang manalo siya sa nabanggit na kategorya sa MMFF noong 2007. Nasungkit din ng Banal ang parangal bilang Best Original Story. Si Apolinario ay nagtapos ng kursong AB in Mass Communication sa University of Santo Tomas. Bukod sa Banal, nagawa rin ni Apolinario ang Estasyon at Puntod. Tinanghal si Apolinario bilang Best Director for Digital Films ng PMPC Star Awards for Movies nitong 2010 para sa Puntod, na nanalo rin na Best Digital Films. Samantala, sa 2007 MMFF, nakuha ni Sen Jinggoy Estrada ang Best Actor trophy para sa pelikulang Katas ng Saudi, na itinanghal din bilang Best Screenplay. Si Maricel Soriano ang tinanghal na Best Actress sa pelikulang Bahay-Kubo. Best Supporting Actress naman si Eugene Domingo (Bahay Kubo), at si Roi Vinzons ang Best Supporting Actor (Resiklo). Ang Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award ay ibinigay sa Bahay Kubo at Katas ng Saudi. - FRJimenez, GMANews.TV
Tags: pinoytrivia, mmff