Filtered By: Showbiz
Showbiz

Si Agimat at Si Enteng Kabisote leads first day of MMFF box office race


Posibleng mabasag ng pelikulang Si Agimat at Si Enteng Kabisote ang lahat ng box office record sa takilya kung magpapatuloy ang dagsa ng tao sa mga sinehan sa unang araw ng Metro Manila Film Festival (MMFF). Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Sabado, ipinakita ni entertainment reporter Aubrey Carampel ang dagsa ng mga taong nanonood ng Si Agimat at Si Enteng na unang pagtatambal nina Vic Sotto at Sen Bong Revilla Jr.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Naging karaniwang tagpo na ang mahabang pila sa mga sinehan katulad sa mga SM Cinema sa Mall of Asia, North Edsa at Mega Mall. Ang Gateway Cineplex sa Cubao ay nagdagdag na rin umano ng sinehan dahil sa dami ng nais mapanood ang Si Agimat at Si Enteng. “We might hit mga P28-30 million margin. Ganun kalakas yung pelikula, so kung talagang ma-hit atin yun, breaking all box office records," ayon kay Sen Bong. - FRJimenez, GMANews.TV