Filtered By: Topstories
News

Yosi, softdrink babawasan: PNoy magpapalakas ng katawan sa 2011


MANILA – Tulad ng karaniwang mamamayan, may plano ring gawin para sa kanyang sarili o New Year's resolution si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III. Sa panayam ng media nitong Huwebes, sinabi ng 50-anyos na si Aquino, na nais niyang maglaan ng regular na panahon sa pag-ehersisyo upang lalong lumakas ang kanyang katawan. "Kung meron pang paraan na madagdagan pa ang ginagawa natin, sana mahanap natin ang lakas para magawa yun. To that extent magkakaroon na tayo ng exercise regimen rin na mas sa regular, I’m taking up biking," paliwanag ni Aquino. Sa pamamagitan ng text message, tinanong ng GMANews.TV si Aquino kung babawasan na rin ba nito ang paninigarilyo, pagkain ng chocolate at pag-inom ng “regular" softdrink, sagot niya: “Less na tayo sa lahat." Sinabi ni Aquino sa media, na magiging abala siya sa pagbabasa at pagrepaso ng mga dokumento sa pagsalubong sa New Year. Kabilang umano sa mga pagkakaabalan niya ay ang year-end reports ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan. "Andami kong backlog sa materials that have to be read," ayon kay Aquino. Nais umano niyang mabawasan ang bilang ng mga walang trabaho sa susunod na taon sa pamamagitan ng pagpapalakas sa ekonomiya ng bansa. Umaasa rin siya na hindi lubos na maaapektuhan ang ekonomiya ng Pilipinas sa hindi magandang takbo ng merkado sa ibang bansa. Aquino, who ran and won on a platform of eliminating corruption to reduce poverty, said he believes his six-month-old administration contributed to Filipinos' optimism about the coming year. Batay sa pinakahuling ng survey ng Social Weather Stations, umabot sa 93 porsiyento ng mga Pinoy ay nagpahayag na maganda ang inaasahan nila sa bansa sa 2011. Mas mataas sa 89 porsiyento na naitala noong 2009, at halos makapantay naman ang record-high level na 95 porsiyento na naitala noong 2002. –GMANews.TV
LOADING CONTENT