Filtered by: Showbiz
Showbiz

Kapuso stars and their New Year's resolutions


Sa pagpapalit ng taon, may mga nais baguhin sa kanilang sarili ang ilan sa ating mga Kapuso star sa 2011 na Year of the Rabbit. Alamin kung ano ang mga ito. Aljur Abrenica: “Siguro mas magiging disiplinado ako, resolution kumbaga, ibabalik ko yung dating ako. Kasi ngayon, this 2010 parang napabayaan ko. Hindi ko naman napabayaan yung sarili ko pero parang medyo nale-late ako. So focus muna sa trabaho and discipline sa sarili." Marvin Agustin: “I just hope I can make more time for my kids and for the family, but I will work more for this coming year." Bea Binene: “Magtitipid na po ako kasi po magastos po ako eh, super gastos ko. Siguro po ngayon sa 2011, ita-try ko pong mas mabawasan ng konti." Jake Vargas: “Gusto ko maging propesyunal sa lahat lahat, sa mga trabaho na darating sa’ken." Gwen Zamora: “Keep healthy. Kasi this year ang dami kong kinain na chichirya. And work harder." Dennis Trillo: “Hindi na ko gumawa ng New Year's resolution eh, kasi hindi ko rin siya nasusunod. Nasisimulan ko lang siya pero hindi ko siya natutuloy-tuloy. So sinabi ko sa sarili ko, gagawin ko na lang 'yung best ko para maging mas mabuting tao." Joshua Dionesio: “Pipilitin kong mas maging mature kasi maraming nagsabi sa akin na masyado raw akong makulit for my age." Barbie Forteza: “Bawasan ang pagiging makulit at sabi nga ni Joshua dapat mas maging mature gumalaw." Derrick Monasterio: “Siguro po yung pagiging tamad gusto kong tanggalin sa sarili ko." Ryza Cenon: “Ayoko pong mag-New Year's Resolution kasi everytime nagnu-New Year's Resolution ako, hindi ko naman nagagawa." Lexi Fernandez: “Sana po sa susunod na year magpo-focus na ko mas ma-divide ko na po yung time ko para sa studies ko rin po." Louise Delos Reyes: “Kasi po kung minsan tuwing umaga tamad po akong gumising talaga, so kailangang gumising ng maaga, bilisan yung pag-aayos." JC Tioseco: "To work harder and enjoy life." Joyce Ching: “Sa akin po siguro yung pagka-quite time ko kasi this year parang nang magkasunod-sunod yung shows, medyo napabayaan ko yung quite time ko. So, ‘yon araw-araw na siya." Narito pa ang ibang New Year’s resolutions ng mga Kapuso star na isinulat ni John Fontanilla para sa Philippine Entertainment Portal o PEP. Chariz Solomon: "Gusto kong baguhin yung pagiging mahiyain at pa-Maria Clara effect... Charing! Hehehe! "Honestly speaking, kung may gusto man akong baguhin, yun yung pagiging liberated at sexy sa pagsusuot ko. Kasi minsan, napapansin ko, iniisip ng mga lalaki na easy-to-get ako. Pero ang totoo niyan, old-fashioned ang pananaw ko sa buhay. Trabaho lang ang ginagawa at walang personalan. Hahaha! "Sa career? Sana magkaroon pa ako ng ibang TV shows at mapansin ako ng mga producers at isama ako sa kanilang pelikula. Alam mo na! Hahaha!" Sheena Halili: "New Year's Resolution ko po ang mas mag-focus sa trabaho this coming year. Yun ang priority ko this year. Siguro no pansin muna ako sa mga nanliligaw sa akin. "Sa career? Sana mabigyan ako ng GMA-7 ng mas marami pang shows this year, more guestings, and hopefully, pelikula po. Gusto ko po kasing makagawa ulit ng pelikula next year." Direk Cesar Apolinario: "Actually I'm so blessed dahil binibigyan ako ng trabaho ng GMA-7. Nagpapasalamat ako sa GMA-7 sa tiwalang ibinigay nila sa akin. Sana mas dumami pa ang projects ko this year at maging blockbuster ang mga pelikulang naka-lineup kong gawin." Rhian Ramos: "Sa pagpasok ng taon, sana mas dumami yung projects na dumating sa akin sa TV at sana makagawa ako ng pelikula. Ugali, siguro, less talk para less mistakes. Kasi minsan yung pagiging prangka at straight ko, iba yung dating sa ibang tao. Kaya naman mas magandang tumahimik na lang para walang intriga sa 2011." Mark Herras: "More focus sa career, especially now na kababalik ko lang sa trabaho. Pero happy ako kasi I'm so blessed this year dahil sunud-sunod ang dating ng suwerte sa career ko. Kaya naman this coming year, mas doble effort ako para mas dumami pa ang projects na dumating sa akin. Dedma lang sa intriga. Lately kasi, sunud-sunod ang intrigang dumadating sa akin." Jolina Magdangal: "Wala naman akong gustong baguhin sa sarili ko. Siguro wish na lang na sana maging successful yung lalabas kong album next year and, of course, more projects sa TV, movies, at out-of-town shows." Sunshine Dizon: "Well, I don't have to change myself coz wala naman akong nasasagasaang ibang tao or nasasaktan this 2010. Hindi rin naman ako naging palaaway this year. Siguro lang, kung may gusto akong gawin, yun yung magpapayat pagkapanganak. Masyado kasi akong tumaba. Pero this coming year, I promise na maglu-lose ako ng weight bago bumalik sa trabaho. "And, of course, more focus sa trabaho at family. Iba na kasi pag may asawa ka na, dapat alam mong i-balance ang trabaho at buhay may asawa. Wish ko na sana maging healthy yung aming first baby ni Tim (Tan), at mas gumanda pa ang takbo ng career ko this coming year." - FRJImenez, GMANews.TV
LOADING CONTENT