Filtered by: Showbiz
Showbiz

PEP: John ‘Sweet’ Lapus accepts Shalala's apology


Naging maganda ang takbo ng 2010 para kay John "Sweet" Lapus. Bukod sa kanyang sunud-sunod na shows sa GMA-7, dalawa ang entries niya sa ginaganap na 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF)—Super Inday and the Golden Bibe at Shake, Rattle & Roll 12. Bago sumapit ang Pasko ay lumipat na rin si Sweet sa sarili niyang bahay. "Dun na ako natulog, pero hindi pa talaga siya tapos," sabi ni Sweet sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "So, hopefully, prinamis naman ng contractor ko na, before January 1, which is balak kong magpa-blessing and family reunion, kumpleto na ang lahat. Gusto ko nang matulog na walang alikabok at ‘di amoy pintura. Sa pagpasok naman ng 2011, gusto ni Sweet na bumawi sa kanyang pagiging stand-up comedian. Sa May nga ay magse-celebrate siya ng kanyang 18th year sa showbiz sa pamamagitan ng isang show sa Music Museum, ang Sweet At 18. "Gusto ko talagang mag-comeback o ibalik ang aking career as stand-up comedian kasi sayang naman," sambit niya. FORGIVING SHALALA. Kasabay ng mga magagandang nangyari sa kanya sa 2010 ay ang pag-aayos nila ng TV and radio personality na si Shalala, isa sa mga host ng TV5 showbiz talk show na Juicy. Kuwento niya, "Pinagbati kami ni Noel Ferrer sa radio program niya. Tumawa na lang kami nang tumawa ni Shalala. "Nag-sorry na siya sa akin at pinatawad ko na siya. Blessing na sa akin yun. "Ako naman kasi, pag humingi na ng tawad sa akin ang isang tao, pinatatawad ko naman. "Ever since, sinasabi ko naman na hindi ako galit sa kanya. Sumama lang ang loob ko. "Hindi naman kami umabot sa kumprontahan, sa sabunutan, sampalan, o palitan ng mga masasakit na mga salitang bakla. "Ang balak ko nun, dedmahin na lang siya pag nagkita kami. E, naunahan ako ng apology niya and pinatawad ko naman siya." BLIND ITEM. Ayon kay John, isang blind item tungkol sa kanya ang pinagmulan ng sama ng loob niya kay Shalala. Sa blind item ay sinabing si Sweet daw ang gumastos sa debut ng kanyang pamangkin at ni-require niya raw ang lahat ng bisita na dadalo na dapat ay sakay ng magaganda at mamahaling kotse. "Parang ganyan nga ang nangyari," aniya tungkol sa pinagmulan ng tampo. "Sabi ko nga sa kanya, mas maganda kung tinawagan niya muna ako at tinanong tungkol dun sa issue. "Mas okay pag may pangalan—mas credible, mas informative. The audience will appreciate it more kung magbibigay ka ng names. "And, in return, yung artistang involved, kinausap at klinaro mo yung issue. "I think lesson learned na rin ito for Shalala. Ang importante, at the end of the day, we're okay, everyone is happy." Sinabi rin ni Sweet na sa ganitong mga sitwasyon kasi ay talagang lumalaban siya pag alam niyang naaagrabyado siya. "Ako naman kasi, ayoko ng kaaway. Maganda ang wala kang kaaway, ayokong maging masama. "Nakikipag-away lang naman ako pag ako ang inaway mo nang una. I can't help it, sasagot at sasagot ako talaga. "Ganun akong klaseng tao, talagang pumapatol ako sa mga taong tumatarantado sa akin," saad ng komedyante-host na umahon sa hirap at umabot sa kalagayan niya ngayon. Sa kabila ng pag-aayos nila ni Shalala, aminado si Sweet na ngayon ay mas magiging dobleng-ingat na siya para makaiwas na rin sa ganitong blind items. "To be honest, I forgive. But in a way, I don't kinda forget para mas magiging mas careful ka na, mas maingat. "Gusto kong magpaka-plastic na, oo, 'I believe to forgive is to forget.' Pero I'm honest to say na 100 percent akong nagpapatawad ng tao, but siguro mas careful na ako para this time, mas okay." - Melba Llanera, PEP
Tags: johnlapus
Find out your candidates' profile
Find the latest news
Find out individual candidate platforms
Choose your candidates and print out your selection.
Voter Demographics