Filtered By: Topstories
News

Sunog sumalubong sa Bagong Taon sa Navotas, Manila, QC


MANILA – Magkakahiwalay na insidente ng sunog ang sumalubong sa mga residente sa Metro Manila partikular sa Navotas City, Maynila at Quezon City. Sa ulat ng dzBB radio nitong Sabado, isang residential area sa C-3 Road sa Navotas City ang tinupok ng apoy na umabot sa Task Force Alpha dakong 11:40 a.m.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Inaalam pa ng mga imbestigador ang dahilan ng sunog at halaga ng pinsala. Nasunog din ang bahagi ng Center for Teaching and Learning Building ng Philippine Normal University sa Maynila. Isang gusali rin ang natupok sa Brgy Damayan sa Quezon City. – GMANews.TV