Filtered By: Showbiz
Showbiz

Will Lolit Solis drop Mark Herras?


Nagharap sa StarTalk TX nitong Sabado ang talent manager na si Lolit Solis at dating aktres na si Nadia Montenegro kaugnay sa isyu ng umano'y pagiging unprofessional ni Mark Herras. Ang host ng StarTalk si Joey De Leon ang nagsilbing referee sa paghaharap nina Nadia, Mark at Lolit, na isa rin sa mga host ng show. Si Mark ay nobyo ni Ynna Asistio na anak nina Nadia at dating Caloocan mayor Boy Asistio. Nag-ugat ang iringan nina Lolit at Nadia nang punahin ng talent manager-host ang kanyang alaga na si Mark kaugnay sa mga natanggap niyang impormasyon na nale-late ito sa kanyang mga commitment. “Nag-uumpisa si Mark na mag-artista, nakita ko talaga ang bait-bait, talagang walang complain, walang ano…professional. Tapos lately yun nga may nababalitaan ako nalelate sa pagdating sa show, nale-late sa taping, nale-late sa mga ano niya appointment," kwento ni Lolit. “So, parang sabi ko bakit ganito, kung kailan siya may Nadia Montenegro na magga-guide sa kanya, parang nanay na magsasabi ng mabuti at masama, saka pa nagkaroon ng mga gulong ganun, yun kaya naiirita ako," dagdag pa talent manager. Minsan na rin nasabi ni Lolit sa isa pang talkshow na nagiging "monster" na umano si Mark. (Basahin: Lolit Solis says Mark Herras is now 'turning into a monster') Nag-umpisang alagaan ni Lolit ang career ni Mark muna nang manalo ang young actor sa reality based artista search ng GMA 7 na Starstruck. Noong nakaraang linggo, nagsalita naman si Nadia sa Showbiz Central tungkol sa kanyang sama ng loob dahil nadadamay na umano pati ang kanyang life-partner na si Boy Asistio tungkol sa isyu ni Mark. Pero nilinaw ni Nadia sa Startalk nitong Sabado, na hindi si Lolit ang pinasaringan niya sa kanyang Facebook na taong naiinggit sa magandang relasyon ng pamilya nila ni Mark. Hinihinala ni Nadia na ang nakalagay sa Facebook ang dahilan kaya nairita sa kanya si Lolit, na dati rin niyang manager noong nag-aartista pa siya. “It was not nanay (Lolit)," paliwanag ni Nadia kay Joey habang katabi si Lolit. “Kasi pinatulan mo hindi nga ikaw ‘yon ‘nay kaya ka nagalit."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Not the first Paliwanag ni Nadia, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng isyu tungkol sa kanila ni Mark. Hinala niya, may nagpapalaki ng isyu upang magkasira sila ng nobyo ng kanyang anak. “Sinabi ko sa Facebook, hindi titigil ang apoy kung may sindi nang sindi. Ang point ko kasi Tito Joey, six months ago nagkaroon din ng isyu tungkol sa’men, tungkol naman sa pera ni Mark," ayon kay Nadia. “Kung natatandaan niyo nung lumabas ‘yon, parang alam ko na na may dumidiin sa’ken. And then nangyari ito, nagulat ako sa reaction ni nanay (Lolit) sa’ken. Kasi si nanay isa sa mga tumatawag sa’ken, ‘anak ha, paalala mo kay Mark me lakad siyang ganito.’ And I always make sure naman na ganun," patuloy ng dating aktres. Bagaman hindi tinukoy, maging si Mark ay naniniwala na may mga tao na hindi taga-showbiz ang gustong manira sa kanya at gawan siya ng negative issues. Aminado rin ang aktor na nagkaroon siya ng mga pagkukulang sa kanyang trabaho at nahihiya rin siya sa nagiging gulo sa kanyang manager na si Lolit at ina ng kanyang girlfriend. “Kung nagkamali man ako last year alam ko na po kung paano itatama and ayoko na pong magkaroon ng isyu about nanay (Lolit) , tita Nads, (at) ako na nagiging problema," ayon kay Mark. The big question Iginiit naman ni Lolit na si Mark ang may responsibilidad sa kanyang sarili, at pinayuhan si Nadia na hindi nito dapat konsintihin ang mga pagkakamali ng aktor. “Kung mali naman siguro yung tinuturo ni Nadia, sinasabi sa kanya ni Nadia dapat alam din niya kung ano ang mali ‘di ba," pahayag ni Lolit. “Hindi naman ako nagtuturo ng mali ‘nay," nakangiting singit ni Nadia. “Kung pinababayaan, kung kinukonsinti mo siya sa mga kapalpakan na nangyayari, mali yun. Kasi mas matanda ka kay Mark, dapat alam mo kung ano ang sasabihin mo sa kanya," pangaral pa ng host at talent manager. Sinabi ni Lolit na lahat ng artista ay magaganda at may talento, at nagkakaiba lang ang mga ito kung propesyunal sa kanilang trabaho o hindi. At nang tanungin ni Joey si Lolit kung bibitiwan ba niya ang pag-aalaga sa career ni Mark, sagot nito, “Hindi naman. Kaya lang…si Mark kasi nakita kong…parang anak mo na nakita mong nag-grow. Kasi umpisa pa lang sa Starstruck nabantayan mo na, tapos nakita ko naman yung galang nung pamilya niya sa’ken." Sinabi ni Mark na may leksiyon siyang natutunan sa naging isyu kina Lolit at Nadia nang dahil sa kanya. “Simple lang po, yung pagiging professional sa trabaho yun naman po talaga ang pinaka-important. And tulad po n’yan 24 na po ako, tama po si Nanay, ako rin ang nagdi-decide kung ano ang gusto at ayaw kong gawin," pahayag niya. - FRJImenez, GMANews.TV