Filtered by: Showbiz
Showbiz

Jinkee reacts to rumors that Pacquiao bought a new jet plane


Dumating na sa bansa nitong Biyernes ang pamilya ni Saranggani Rep Manny Pacquiao mula sa pagbabakasyon sa Japan at Australia. Nagsalita rin si Jinkee tungkol sa balitang bumili sila ng bagong eroplano. Sa showbiz talkshow na StarTalk TX nitong Sabado, sinabi ng mag-asawang Manny at Jinkee na naging masaya lalo na sa mga bata ang kanilang dalawang linggong bakasyon. “Okey naman marami kaming pinuntahan, mga bata priority sa bakasyon. Kung anong gusto nilang puntahan pinupuntahan namin," kuwento ng boxing champ na si Manny. Dagdag naman ni Jinkee: “Nag-enjoy sila super. Kasi nag-i-snow sa Japan first time na kami lahat na buong pamilya kasama mga bata." Habang wala sa bansa, may kumalat na balita na bumili umano ang boxer turned politician ng isang 32 seater na jet plane. “Jet plane? balik na tanong ng natatawang si Jinkee nang kunan ng reaksiyon tungkol sa naturang ulat. “Laruan na jet plane, hindi totoong jet plane.’
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Saka hindi kami bibili ng ganung kamahal na…isi-save na lang namin para sa mga bata," dagdag pa ni Mrs Pacquiao. Paliwanag ni Jinkee, nag-alok umano si Ilocos Sur Gov. Chaivit Singson na gamitin nila papuntang Japan ang bago nitong bili na private plane. May ibubuga si Mosley Samantala, sinabi ni Manny na hindi dapat maliitin ang kakayahan ni Shane Mosley na susunod niyang makakalaban. Bagaman mas malaki ang tanda ni Mosely sa tinaguriang pambansang kamao na si Manny, pinabagsak naman nito ang huli niyang nakalaban na si Antonio Margarito. Matatandaan na tinalo rin ni Manny si Margarito sa naging laban nila noong Nobyembre. “Shane Mosley is bago lang siya lumaban kay (Antonio) Margarito ni-knockout niya si Margarito, ibig sabihin malakas si Shane Mosley," ayon kay Manny. Patunay umano ito na wala sa edad ang batayan kung may ibubuga sa boksing ang isang manlalaro. Binalewala rin ni Pacquiao ang mga negatibong hula tungkol sa kanyang pagbo-boksing at iginiit na ang lahat sa kanya ay ipinapaubaya niya sa Panginon. - FRJimenez, GMANews.TV

More Videos
LOADING CONTENT