Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gomez speaks up about his tax evasion case


Ipinapaubaya na umano ng aktor na si Richard Gomez sa Department of Justice ang desisyon kaugnay sa kinakaharap niyang tax evasion case na isinampa laban sa kanya noong 2007. Ang pahayag ay ginawa ni Richard matapos kunan ng reaksiyon sa ipinalabas na kautusan ni DOJ Sec Leila De Lima noong Miyerkules na bigyan prayoridad at lutasin ang 12 high profile tax evasion cases na nakabinbin sa ahensiya mula pa noong 2005 . Kabilang sa listahan ng mga high profile case ay mga showbiz celebrities na kinabibilangan ni Richard. Kinasuhan ng BIR ang actor noong 2007 dahil sa hindi umano pagbabayad ng tamang buwis noong 2002-2003.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa showbiz talkshow na StarTalk TX nitong Sabado, sinabing three years ago ay nagbigay din ng pahayag ang BIR na nagsasabing hindi kuwalipikado si Richard na mag-avail ng tax amnesty. Ngunit sa panayam kay Richard, sinabi nito na naaprubahan ang kanyang petisyon sa tax amnesty at kailangan na lamang suriin ng DOJ ang merito ng kanyang petisyon. “Alam mo lahat ng problema may solusyon ‘yan, you just have to solve it a day at a time. But we have to stay focus, we have to stay positive for 2011," ayon sa aktor. Maging ang maybahay ni Richard na si Leyte Rep Lucy Torres-Gomez ay nagpahayag ng tiwala na magiging patas ang gagawing pagsusuri sa kaso ng kanyang mister. “I trust naman the (justice) system. I believe it will be resolve fairly based on merit," ayon sa kongresista. Samantala, guilty naman ang naging hatol ng Court of Tax Appeal Second Division sa celebrity doctor na si Joel Mendez, kaugnay sa kinakaharap din nitong tax evasion case. Hinatulan si Joel na makulong ng dalawa hanggang apat na taon. Ayon sa ulat ng StarTalk TX, tumanggi muna ang kampo ni Joel na magbigay ng pahayag habang inihahanda nila ang kanilang magiging apela sa ipinalabas na desisyon ng korte. - FRJimenez, GMANews.TV