Filtered By: Showbiz
Showbiz

GMA reporter bags international award for short film


Tinanghal na Best Short Film sa isang film festival sa New York ang obra ni GMA News reporter John Paul Seniel, ang Latus. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, nagwagi ang Latus sa 2010 NY International Independent Film and Video Festival. Ang "latus" ay salitang bisaya na ang ibig sabihin ay pamamalo. Layunin umano ng pelikula na matigil na ang tinatawag na “corporal punishment" o pagparusa sa mga bata na nagiging uri na rin ng karahasan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang naturang maigsing pelikula ni Seniel – news reporter sa GMA newscast sa Davao na Testigo – ay hango sa tunay na buhay ng isang dalagita na sinasaktan ng kanyang ama. Bukod kay Direk Seniel, isa pang reporter ng GMA News – si Cesar Apolinario - ang nakagawa na rin ng mga pelikula at umani rin ng mga parangal. Noong 2008 ay kinilala si Seniel bilang Most Promising Filmmaker sa Mindanao Film Festival. Napabilang din ang Latus sa mga top 10 films sa listahan ng Cinemalaya noong 2009. - FRJImenez, GMANews.TV