Filtered By: Showbiz
Showbiz

Solenn Heussaff wants to move on after ‘bimbo’ tag issue


Gusto ng bagong Kapuso talent na si Solenn Heussaff na mag-move on na sa isyu ng ‘bimbo’ tag, at tutukan na lamang ang kanyang first movie project with Richard Gutierrez. Sa panayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi ni Solenn na hindi na niya hihintayin na mag-apologies ang French channel na naglabas ng documentary kung saan tinawag siyang “bimbo" o babaeng walang laman ang utak. Sinabi ng dating Survivor Philippines castaway sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, na nais na lamang niyang mabasa ng gumawa ng dokyu ang kanyang sulat. (Basahin: Solenn Heussaff demands apology over ‘bimbo’ tag) A clip from the actual French documentary. The entire video is in French: Napanood na rin daw ng baguhang aktres ang documentary at sinabi nito na tipikal na ang ganoong journalism sa France. Ngayon, mas gusto raw ni Solenn na tutukan ang magagandang bagay na nangyayari sa kanya tulad ng movie nila ni Richard na My Valentine Girls. Ayon sa dalaga, handa na siya sa kissing scene nila ni Richard anumang oras ito nais ipagawa ng kanilang direktor na si Andor Ranay.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “I love kissing," nakangiting sambit ni Solenn. “I’m not nervous, I’m very excited actually." Ibinisto naman ni Direk Ranay ang pagiging sweet ng dalawa kahit sa likod ng camera. Kuwento nito, mapagkakamalan mong may namamagitan kina Richard at Solenn kung hindi mo kilala ang dalawa na magkaibigan. “They are very good friends to begin with, so every time I see them parang, ‘are you guys together?’" kuwento ng direktor. “Kasi parang ganun kasi, sobrang sweet talaga." - FRJ, GMANews.TV