Filtered By: Showbiz
Showbiz

Iwa Moto makes emotional appeal for her stolen dogs' return


Naluluhang nakiusap ang sexy Kapuso star na si Iwa Moto na ibalik ang dalawa niyang aso na ninakaw sa kanyang bahay sa Las Pinas noong Lunes. Sa panayam ng StarTalk TX nitong Sabado, sinabi ni Iwa na mahal na mahal niya ang mga aso at parang anak na ang turing niya sa dalawang alaga na poodle at shitsu. “Kung sino man ang kumuha ng aso ko, kung ibebenta mo man sila kahit ako na lang ang bumili. Huwag mong sabihin na ikaw yung nagnakaw or what, wala akong pakialam, I just want my dogs back," pakiusap ni Iwa. Sakaling naibenta na ang mga aso, sinabi ng aktres na handa niyang bilhin muli ang mga ito kahit pa doble sa halaga na binayaran maibalik lang ang kanyang mga alaga. “Please kahit doblehin ko po yung binayad niyo mabalik lang po yung mga aso ko. Kasi importante po sila sa’ken…buhay yun eh, parang anak na yung turing ko. Sana po maintindihan niyo rin po na nasasaktan ako," emosyunal na pahayag ng aktres.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Kuwento ni Iwa, nasa Cebu siya nang akyatin ng magnanakaw ang terrace ng kanilang bahay noong Lunes (Jan 17). Nilagare umano ang kandado sa hagdan ng fire exit kaya nakaayat ang magnanakaw. Nasa terrace umano ang kulungan ng mga aso kung saan pinapatulog ang mga ito. “Kasi ang dogs hindi sila puwedeng matulog na magkasama, kasi they fight…Nilalagay sila sa cage para doon matulog sa second floor ng bahay. May fire exit dun na may lock, nag-effort yung magnanakaw na lagariin yung lock to get the dogs," ayon kay Iwa. Nagpapasalamat na rin lang si Iwa dahil hindi pinasok ang bahay nila at tila ang dalawang aso lang talaga niya ang puntirya ng magnanakaw. “Hindi ko alam kung may mga tao na galit sa amin or what. Sana ‘wag naman, ang tagal na namin dun, dun na ‘ko lumaki, wala naman sanang talu-talo," patuloy niya. Sa mga nakakuha ng aso ni Iwa, nakiusap ang aktres na alagaan ang mga ito ng mabuti. “Kung ayaw mo naman isoli, sa mabuting pamilya mo ibigay. Sa makakakuha ng aso ko please alagaan niyo niyo sila," pakiusap pa niya. – FRJimenez, GMANews.TV

Tags: iwamoto, dwarfina