Filtered By: Showbiz
Showbiz

PEP: Actress Roxanne Guinoo marries Filipino-Chinese businessman


Ikinasal na ang aktres na si Roxanne Guinoo sa Filipino-Chinese businessman na si Angelo Elton Yap noong Linggo, January 23, sa Santuario de San Antonio Church, Makati City. Kasama sa principal sponsors ng bagong kasal ang aktres na si Maricel Soriano, ang TV host at talent manager na si Boy Abunda, ang cosmetic surgeon na si Dra. Vicki Belo, at ang direktor na si Rahyan Carlos. Sina Mariel Rodriguez, Regine Angeles, at Charlene Gonzalez naman ang ilan sa secondary sponsors. Puting-puti ang gown na suot ni Roxanne, 24, na dinisenyo ni Pepsi Herrera. Naka-coat and tie naman si Elton, 21. Ilan sa mga naging bisita sa kasal ay sina Toni Gonzaga, Angelica Panganiban, Ara Mina, Jomari Yllana, Kris Lawrence, at Tim Yap, na pinsan ni Elton. Matatandaang inamin ni Roxanne na buntis siya sa kanilang unang anak nila ni Elton noong February 8, 2010, sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz. Sinabi niya ring magpapakasal sila ni Elton matapos ang isang taon. - Mark Angelo Ching, PEP