Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso Network celebrates love month this February with exciting offers


“Dahil ang maGMAmahal, natural sa Kapuso…" Ito ang dahilan sa likod ng pagdiriwang ng GMA Network, Inc. ngayong Pebrero ng Kapuso Month. Puno ng love-filled offerings ang Kapuso Network na magpapatindi sa damdamin ng mga manonood. Sa panimula ng Kapuso Month, pagsasamahin ng GMA sina Regine Velasquez at Dingdong Dantes sa primetime television sa romantic comedy, I Heart You Pare. Ang pinakaaabangang serye na mula sa makulay na mundo ng Club Love, kung saan nagrereyna ang mga drag queen. Ito ay magsisimula sa Pebrero 7 sa GMA Telebabad. Sa Dramarama sa Hapon, mapapanood ng mga Kapuso fan ang mga bagong programa na siguradong kakapit sa kanilang heartstrings: Nita Negrita, kasama sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio; Sisid, kasama sina Jackie Rice at Dominic Roco; at Magic Palayok nina Geoff Eigenmann, Carla Abellana, Nadine Samonte, Angeli Nicole Sanoy at Ms. Cherie Gil. Sa Pebrero 9, mapapanood sa mga sinehan ang handog ng GMA Films at Regal Entertainment na My Valentine Girls. Dito masusubaybayan ang romantic trilogy na magtatambal sa Kapuso hunk na si Richard Gutierrez kina Rhian Ramos, Lovi Poe, Solenn Heussaff, at Eugene Domingo. Ito rin ang debut movie ng Kapuso child wonder na si Jillian Ward.
Sa Pebrero 13, subaybayan ang international singing sensation na si Charice Pempengco sa GMA special, Charice: Home for Valentine's. Sa buong Pebrero, siguradong tatangkilikin ang iba’t ibang Kapuso Month festivities sa pagsasama ng mga Kapuso star at ng kani-kanilang tagahanga sa natatanging panahong ito ng pag-ibig. Sa regions, doble ang saya dahil ang mga paboritong artista ng Kapuso, dadalo sa Bacolaodiat Festival sa Bacolod City nitong Pebrero 4; sa Paraw Regatta sa Iloilo City sa Pebrero 18-19; at sa Panagbenga Flower Festival sa Baguio City sa Pebrero 27. Sa iGMA.tv at Facebook, maaring makisaya sa Kapuso Month sa pamamagitan ng pakikipagdiskusyon hinggil sa “matters of the heart." Samantala, maaari ring makatanggap ng Valentine’s messages mula sa paboritong Kapuso stars sa pamamagitan ng celebrity mobile service na Fanatxt. Para mag-subscribe, i-key in lang ang FANATXT at ipadala sa 4627 para sa Globe, Smart, TM, Talk N Text at Sun subscribers. At mula February 14 hanggang 28, pwedeng ipadala ng mga subscriber ang kani-kanilang love quotes at pick up lines para sa pagkakataong manalo ng cash at iba pang papremyo. Upang makasali, i-text lang ang PUSO love quote o pick up line at ipadala sa 4627. Ang winner ay malalaman thru electronic raffle at i-nonotify thru SMS. Manatiling nakatutok sa GMA ngayong Pebrero at makisaya sa pagdiriwang ng Kapuso Month. - GMANews.TV