Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Marian Rivera excited about her new project, Amaya


Ilang buwan ding nawala si Marian Rivera sa primetime block ng GMA matapos ang Darna. Kaya naman minabuti ng iGMA na kausapin ang aktres at kamustahin ang pinaka-hihintay niyang pagbabalik sa Telebabad via Amaya.

Sa set ng Show Me Da Manny, nadatnan ng iGMA na nagpapahinga ang Primetime Queen ng GMA na si Marian. Kinamusta namin ang show at kung ano ang dapat abangan sa mga susunod na episodes ng sitcom. “Ang dami! Puro kalokohan yung pinaggagawa ko rito. Lumalabas yung kasulok-sulukan kong kalokohan dito eh. So, wala lang enjoy, talagang dito mo ma-e-express yung freedom mo na pwede kahit ano eh. Puwede kang mag-adlib, kahit ano puwede mo talagang gawin, basta comedy," masayang kuwento ng aktres. Tinanong din namin si Marian about Amaya dahil marami sa kanyang fans ang nag-aabang sa pagsisimula ng isa na namang kakaibang teleserye ng GMA. “Naku mas excited ako!," mabilis niyang tugon. “Ang alam ko next week yata kailangan nang magworkshop. Siyempre kailangan yung bago kong leading man magkaroon kami ng rapport . Konting bonding siguro. Tapos, ipa-finalize pa ‘yung mga characters. Siyempre with Direk Mac [Alejandre] pa rin yan, so yun." Since kakaiba ang magiging character niya dito, paano pa niya pinaghahandaan ang ma-aksyong mga eksena ng Amaya? Mag-aaral ba siya ng Martial Arts? “Mag-aaral din ako. ‘Di ko lang alam kung anong ipapaaral nila sa akin," paliwanag ni Marian. Sa mga nakakitang Telebabad plug ng GMA, marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang istorya ng Amaya. Kaya naman minabuti naming ipa-kuwento kay Marian ito. “Si Amaya kasi ay isang anak ng Sultan. Pero yung nanay ko kasi ay parang pangalawang asawa lang nung Sultan. Noong kailangan nang ipasa yata nung Sultan yung trono niya sa anak niya, nagkaroon ng problema." “Lahat kasi ng naging anak niya babae. Bukod tanging ako lang ang babaeng may kakambal na ahas. Pero ang ibig sabihin kasi ng ahas dun sa unang panahon, mataas, malaki, matapang, magaling, so ako lang yun puwede. Hanggang sa pinapa-hunting ako ng totoong asawa niya. Gusto nila akong patayin. Parang ganun yung istorya," paglalahad ng aktres. Excited na rin ba siya sa bago niyang leading man? “Oo naman. Pero siguro mas excited ako dun sa magiging story eh. Kasi ngayon lang ako magkakaroon ng isang soap na hindi naman superhero, pero bilang bida na matapang, na walang kapangyarihan." “Kasi lahat talaga magmula sa Marimar, Dyesebel, Proserfina, Endless Love lahat 'yan nire-make lang eh. Ito original story for the first time," pagtatapos ni Marian. - Loretta G. Ramirez, iGMA.TV
LOADING CONTENT