Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice's mom reveals song that inspires them


Napaiyak ang ina ni Charice Pempengco nang mapakinggan ang awitin na naging inspirasyon nilang mag-ina noong panahon na pinaghihinaan ng loob ang Pinay international singer nang matalo sa singing contest nang nagsisimula pa lamang. Nagtungo sa GMA 7 compound si Charice nitong Lunes para sa rehearsal ng gagawin niyang kauna-unahang television special na Charice: Home for Valentines, na mapapanood sa Kapuso Network. Kahit ensayo pa lamang, kitang-kita sa report ni entertainment reporter Nelson Canlas, na bigay-todo na si Charice. At nang awitin ni Charice ang “Maghintay Ka Lamang," naging emosyunal na si Mommy Raquel habang pinapanood ang anak.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Nang time na natalo siya, depress na depress siya nun… tingnan mo ‘tong kanta na ‘to, pakinggan mo ‘to. Ito ang magbibigay sa’yo ng inspirasyon. Kasi ayaw na niyang sumali sa singing contest," kuwento ni Mommy Rachel sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. “Araw-araw, in the morning pinatutugtog ko ‘yang kanta na ‘yan, naiiyak siya," dagdag pa ng ina ni Charice. Ayon kay Charice, excited na siya sa kanyang gagawing tv special. Nagpapasalamat din siya sa tiwalang ibinigay sa kanya ng network. “Sa lahat ng mga Kapuso na nanood ngayon, panoorin niyo po Charice: Home for Valentines, Feb 13, 8:30 pm, directed by Sir Louie Ignacio. Dito lang po sa Kapuso Network," paanyaya ni Charice. - FRJimenez, GMANews.TV