Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Rhian Ramos talks about Mars Ravelo's Captain Barbell


Marami na ang nag-aabang sa pagbabalik ng paboritong Pinoy superhero na si Captain Barbell sa GMA Telebabad. Ano nga ba ang dapat abangan ng mga manonood sa pagbabalik nito sa telebisyon? Aside from Richard Gutierrez na gumanap na noon sa papel bilang si Captain Barbell, isa si Rhian Ramos sa original cast ng show. At sa pagbabalik telebisyon ng obra ni Mars Ravelo, ibinalita ni Rhian na magiging bahagi pa rin siya fantaserye.

“Kasi ‘yung original na Barbell kami nga yung magkasama and then para maging fluid yung kwento para may magandang flow. Kasama ako sa simula para makita nila kung paano ko ipapasa yung baton, parang ganon," natatawang paliwanag ni Rhian. Pagpapatuloy pa niya, “Makita niyo kung ano talaga yung growth noong character bilang nung nagsimula siya na probinsiyano, si Teng na childhood friend niya si Lea. Tapos talagang buong buhay nila talagang feeling ko destined sila for each other." Ano nga ba ang mga dapat abangan sa ikalawang yugto ng Mars Ravelo's Captain Barbell? “Pag tinuloy namin itong Barbell na ‘to, sa Manila na siya, hindi na siya sa province. So, may mga makikita kayong interesting [innovation] bilang sa part ng technology at saka yung mga places na famous yung Philippines for, makikita natin sa Barbell. Tapos parang ipagsasama nila ang totoong buhay at fantasy," kuwento pa ng aktres. Magiging superhero din ba si Lea sa story? “Actually hindi ko pa alam, kasi nag-give way ang taping ng Barbell para sa shoot ng My Valentine Girls kasi pinapaganda namin ‘yung movie," ani Rhian. “Yung bawat detalye makikita niyo ng malaking malaki, so talagang career ang lighting, ang lahat ng ginagawa namin dapat bawat kilos tama. Para talagang walang mairereklamo yung mga manonood!" Tiyak na marami na ang nag-aabang sa muling paglipad ni Captain Barbell sa telebisyon. Pero, in the meantime, mapapanood natin si Richard at Rhian sa Valentines Day offering ng GMA Films at Regal Films simula Februar 9 sa mga sinehan nationwide. - Loretta G. Ramirez, iGMA.TV