Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kapuso Network tops TV ratings in January


Umarangkada ang rating performance ng GMA Network, Incorporated (GMA) sa pagsisimula ng 2011, batay sa datos ng mas kinikilalang rating supplier na Nielsen TV Audience Measurement nitong Enero. Base sa people data para sa buong buwan ng Enero (January 23 hanggang 31 ng overnight ratings), nakapagtala ang GMA ng pinakamataas na channel ratings na 7 points kumpara sa iba pang free-to-air TV channels sa Mega Manila. Ang nakuhang marka ng GMA ay mas mataas ng 2.3 points kumpara sa 4.7 ng ABS; at 3.4 points na kalamangan sa 3.6 ng TV5.

Mula Enero 10, sa paglulunsad ng Kapuso Network ng mga bagong programa para sa taon, umusad ang ratings nito Mega Manila, at maging sa nationwide. Para sa period mula Enero 10 hanggang 31, tinalo ng GMA ang ABS-CBN sa national channel ratings sa pagtatala ng 6.6 points, mas mataas ng 0.1 sa 6.5 ng ABS; at 3.4 points na kalamangan sa 3.2 points ng TV5. Sa Mega Manila para sa nasabing period, pumalo sa 7.2 points ang channel rating ng GMA, na mas mataas ng 2.6 points sa 4.6 ng ABS at 3.5 points na mas mataas sa 3.7 na nakuha ng TV5. Nasa Mega Manila ang 58 percent ng total urban television households nationwide, kasama na ang Batangas at Laguna sa mas pinalawak na coverage mula noong Enero 1. Sa isa pang key area – Urban Luzon – na binubuo ng 77 percent ng television households nationwide, lumitaw sa survery para sa buong buwan ng Enero, na nanguna rin ang GMA. Nakapagrehistro ang Kapuso Network ng 6.8 points ratings, na angat ng 1.8 laban sa 5 points ng ABS; at 3.3 na lamang sa 3.5 na nakamit ng TV5. Sa National Urban Philippines, litaw ang pagbaba ng ratings ng ABS-CBN na nakakuha 6.5 point, at 0.1 points na diperensiya sa 6.5 points na nakuha ng GMA.
Pumasok ang 21 programs ng GMA sa top 30 programs sa Mega Manila nitong January. Top-rater ang “Dwarfina" ni Heart Evangelista na humataw ng 13.4 people ratings nang ilunsad ito noong Enero 10. Samantalang ang katapat na programa ng ABS na “Noah" ay naiwan sa ika-24 na pwesto sa pagtatala lamang ng 9.1 points. Ang Aljur Abrenica-starrer na “Machete" ang nakakuha ng number three slot sa taglay nitong 11.8 percent. Tinalo ni Aljur ang “Mara Clara" ng ABS na nasa ika-siyam na pwesto at mayroong lamang 11 percent. Ang primetime news program “24 Oras" na nasa ika-apat na pwesto na may 11.7 percent, ay nananatiling choice na mga manonood kumpara sa “TV Patrol". Nasa ika-24 pwesto lang ang news program ng ABS na mayroon lamang 9.1 rating points. Kasama sa iba pang Kapuso programs na pumasok sa top 30 list sa Mega Manila ay ang Temptation of Wife, Kapuso Mo Jessica Soho, The Baker King, Beauty Queen, Eat Bulaga, Bantatay, Kap’s Amazing Stories, Imbestigador, Pepito Manaloto, Bubble Gang, 24 Oras Weekend at Mel and Joey. Bukod sa GMA Network, ang Nielsen TV Audience Measurement ay ginagamit din ng 21 iba pang kumpanya. Kasama rito ang dalawang local TV networks - TV5 at Solar Entertainment; Faulkner Media; CBN Asia; 13 advertising agencies at tatlong regional clients. Samantala, ang ABS-CBN lamang ang napaulat na local network na tumatangkilik sa Kantar Media, na dating kilala bilang TNS. Sa Mega Manila, ang Nielsen TV Audience Measurement ay may sample size na 880 homes kumpara sa 770 homes ng Kantar Media. Sa buong bansa, nasa 2,005 homes ang total sample size ng Nielsen kumpara sa sample size ng Kantar na nasa 1,370 homes lamang. - GMANews.TV