Filtered By: Showbiz
Showbiz

Janet Jackson arrives in Manila for one-night concert


Dumating na sa Pilipinas nitong Huwebes ng gabi ang Grammy Award-winning superstar na si Janet Jackson para sa kanyang one-night concert na gagawin sa PICC, sa Biyernes ng gabi. Ayon kay Janet, natutuwa siya sa muli niyang pagbisita sa Pilipinas, at umaasang mag-e-enjoy ang kanyang mga tagahanga sa kanyang gagawing pagtatanghal. Sinabi sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, na lumapag ang eroplanong sinakyan ni Janet sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong 6:30 p.m. Bagaman naging mahigpit ang seguridad sa international singer, nagpaunlak siya ng maigsing panayam nang kamustahin sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Great, it’s been what? 17, 18 years since I’ve been here, so it feels great," pahayag ni Janet sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. Ang Manila ang first stop ng Asian concert tour ni Janet na tinawag na Number Ones, Up Close and Personal. Hindi raw katulad ng iba niyang concert, puro hit songs ang gagawin ni Janet sa Biyernes. Muli raw mapapanood ang 'Janet Jackson Move' na kanyang pinasikat. Mula sa airport ay dumiretso na si Janet sa tutuluyan niyang hotel para makapagpahinga at makapaghanda sa gagawing concert sa Biyernes PICC Plenary Hall sa CCP Complex . - FRJImenez, GMANews.TV