Filtered By: Showbiz
Showbiz

Fans troop to Janet Jackson one-night only concert


Dinagsa ng mga fans – pati ng mga celebrity - ang one-night only concert ni Janet Jackson sa PICC Plenary Hall sa Pasay City nitong Biyernes ng gabi. Ang Manila ang napiling first stop ni Janet sa kanyang Asian tour concert na tinawag na, NUMBER ONES: Up Close and Personal. Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, sinabi nito na naging mataas kaagad ang energy sa opening number ni Janet na suot ang kanyang trademark metallic leather catsuit. Ngunit bago ang concert, ilang miyembro ng People for the Ethical Treatment of Animals o PETA, ang nagsagawa ng kilos-protesta para kondenahin ang pag-endorso ni Janet ng fur suit o kasuotan mula sa balahibo ng hayop sa US.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Samantala, sa labas ng concert hall, isang photo wall naman ang inihanda ng organizer ng concert para makapagpa-picture ang mga manonood ng concert. May mga ibinebenta ring limited edition memorabilia ng international singer. Ilan sa mga celebrities na nakita sa concert ni Janet ay sina Jessica Soho, Iza Calzado, mag-asawang Regine Tolentino at Lander Vera Perez, mag-asawang Suzi Entrata at Paolo Abrera, socialite Tessa Prieto-Valdez, Krylle, Kiko Rustia, Angelica Panganiban, Jinkee Pacquiao at iba pa. Inilarawan ni Aubrey na puno ng tao at sold-out ang ticket sa concert ni Janet. Ito ang ikalawang pagkakataon na nakapagtanghal sa Pilipinas ang kapatid ng pumanaw na King of Pop na si Michael Jackson. - FRJ, GMANews.TV