Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe on Rep Singson drug case: ‘It’s too personal and too sensitive’


Sa kabila ng mga ngiti, halata pa rin ang lungkot sa mukha ni Lovi Poe pagdating sa napapabalitang boyfriend niya na si Ilocos Sur Rep Ronald Singson, na nahaharap sa kasong pagdadala ng illegal drugs sa Hong Kong. Sa nakaraang pagdinig ng Hong Kong court sa kaso ni Singson, iniugnay ng kongresista ang pag-aaway nila ni Lovi kaya may dala siyang cocaine nang mahuli sa airport ng nabanggit na teritoryo ng China noong nakaraang taon. Sa presscon ng Valentine movie nila ni Richard Gutierrez na, My Valentine Girls, tumanggi si Lovi na magbigay ng komento tungkol sa naging pahayag ng kongresista. “I don’t wanna share anything about that topic anymore. It’s too personal and too sensitive na kasi," paliwanag ni Lovi kay entertainment reporter Lhar Santiago sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagpapasalamat si Lovi na may mga trabaho siyang pinagkakaabahalan para malibang. Kasama sa My Valentine Girls sina Rhian Ramos, Solenn Heussaff, Eugene Domingo, at child wonder na si Jillian Ward. Malaking tulong umano sa kanyang pinagdadaanan ang pakikipag-bonding niya sa kanyang mga co-star sa movie na pawang masayahin. “They are very fun to be with and its like you need a good support system around you," paliwanag ng aktres. Sa kanyang ika-21 taong kaarawan sa mismong Valentines day, sinabi ni Lovi na mananatili lamang siya sa bahay. Sa kanyang Twittter account, sinabi ng sexy Kapuso star na nagdesisyon siyang huwag i-celebrate ang kanyang kaarawan ngayong taon. Pero hindi sinabi ni Lovi kung ano ang dahilan. Samantala, tinawanan lang nila ni Richard ang pagbibigay kulay sa ginawang pagdalaw sa kanya ng aktor sa isang taping. Paliwanag ni Lovi, nagkataon na magkalapit lang ang lugar ng taping nila ni Richard kaya dumaan sa kanya ang aktor kasama ang kaibigan na Direk Dom Zapata. - FRJimenez, GMANews.TV