Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe rushed to hospital due to high fever


Isinugod sa ospital ang Kapuso star na si Lovi Poe dahil umano sa mataas na lagnat na may kasamang pag-ubo nitong Biyernes ng gabi. Sa PEP Alert ng Philippine Entertainment Portal nitong Sabado, sinabing dinala si Lovi sa St. Lukes Hospital, Biyernes ng gabi, dahil sa mataas na lagnat at ubo na dala raw ng matinding depression. Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Lovi na bumigay na kanyang katawan at naka-confine siya sa hindi nabanggit na ospital. Nakalagay din sa mga nauna niyang tweets ang mensaheng : “its official. im sick! wrong timing!!!" At, “cough and colds.. fever is coming.. i can feel it…" Sa Chika Minute nitong Biyernes ng gabi, sinabi ni Lovi na hindi siya magse-celebrate ng kanyang ika-21 birthday sa Feb. 14., at mananatili lang sa kanyang bahay. Tumanggi na rin siyang magkomento tungkol sa kasong pagdadala ng illegal drugs sa Hong Kong ng kanyang boyfriend na si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson. (READ: Lovi Poe on Rep Singson drug case: ‘It’s too personal and too sensitive’) Una rito, idinahilan ni Singson ang pag-aaway nila ni Lovi kaya nagkaroon siya ng depresiyon nang makuha sa kanya ang ilang gramo ng cocaine at dalawang piraso ng valium sa airport ng Hong Kong noong nakaraang taon. - FRJimenez, GMA News Online

LOADING CONTENT