Filtered by: Showbiz
Showbiz

Iwa Moto admits showbiz girl cause of cooling-off with boyfriend Mickey


Inamin ni Iwa Moto na dumadaan sa pagsubok ang tatlong-taong relasyon nila ng nobyong si Mickey Ablan. At ang itinuturong dahilan, isang babae na taga-showbiz. Sa ulat ng showbiz talk show na Startalk TX nitong Sabado, sinabing maraming nakapuna kay Iwa na matamlay siya sa mga nakaraang taping ng Dwarfina. Nang kapanayamin ang sexy Kapuso star, hindi ikinaila ni Iwa na may problema sila ng kanyang nobyo. Sa ngayon ay hindi umano alam ni Iwa kung ano ang status nila ni Mickey matapos silang mag-cool-off. “Sometimes hindi ako makausap sa set, and tulala ako, and madalas nakikita nila akong weird-weird," pahayag niya. “Nag-cool off kami and then ngayon he is trying to win me back. Ngayon ano kami…hindi ko alam kung kami o ano." Patuloy pa rin naman daw niyang nakakasama ang nobyo at pamilya nito. Napalapit na raw kasi siya sa pamilya ni Mickey, lalo na sa anak nitong babae.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Third party Nang tanungin kung may third party na sangkot sa naging problema nila ni Mickey, sagot ni Iwa, “I wont lie, yes me third party na involve…hindi naman niya dinenay sa’ken na nagkamali siya." Bagaman hindi tinukoy ang pangalan, inamin ni Iwa na isang babae na mula sa showbiz ang sangkot sa third party. Mas masakit daw para kay Iwa na malaman na taga-showbiz ang babae dahil batid nito ang relasyon nila ni Mickey. “Nandiyan lang sa tabi tabi…subukan niya (manggulo) dahil sasagarin na niya ang galit ko. Nananahimik ako, I been trying myself to be calm dahil ayoko nang magalit, ayokong maghuramentado," sagot ni Iwa nang tanungin kung ginagambala pa siya ng hindi niya pinangalanang showbiz girl. Nagbabala si Iwa na ipaglalaban niya ang kanyang karapatan at handa siyang gumanti kapag ginulo pa rin siya ng babae. “Subukan pa niyang manggulo, as in definitely ako mismo manggugulo sa buhay niya," matapang na babala ni Iwa. “Hindi sa ipaglalaban yung relasyon eh, ipaglalaban ko yung karapatan ko dahil naapakan niya ko eh. Ako never akong nang-apak, ayokong nang-aapak ng tao. Sana siya mamili siya ng sasagaaan niya at mahiya naman siya sa balak niya…Ingat ka sa karma," paalala ni Iwa. Nang tanungin kung ano ang posibleng mangyari kapag nag-krus ang landas nila ng showbiz girl, ayon kay Iwa: “’Pag nagkasalubong kami, definitely maririnig niya yung ano…dahil baka hindi ako makapagpigil i-confront ko siya. As of now lumalayo lang ako sa gulo, pero God knows how much I hate her." Ikinuwento ni Iwa na tinawagan niya ang babae pero mayabang umano na itinanggi nito ang alegasyon. Pero may hawak daw na katibayan si Iwa na ikapapahiya ng babae. Samantala, iginiit ni Iwa na hindi pa siya ikinakasal. Bunga ito ng lumabas na larawan na bahagi ng marriage contract na tila gustong palabasin na ikinasal na siya. Hamon ni Iwa sa nagpakalat ng naturang larawan, ipakita ng buo ang naturang kontrata at hindi bahagi lamang. Bagaman sinusubukan umano nila ni Mickey na ayusin ang kanilang problema, sinabi ni Iwa na sa ngayon ay nais muna niyang mag-isa. – Fidel R Jimenez, GMA News Online

Tags: iwamoto, dwarfina
LOADING CONTENT