Filtered by: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Interactive, animated e-Book para sa mga bata


Upang makasabay sa pagbabago ng panahon dulot ng modernong teknolohiya, inilunsad ng isang publishing company ang kauna-unahang electronic book o e-Book na naglalaman ng mga kuwentong pambata. Ayon kay Julius Corotan, head ng corporation communication ng Vibal publishing, nais nilang dalhin ang kanilang adhikain na palaganapin ang pagbabasa sa isang environment kung saan nahihilig ngayon ang mga kabataan. “Ang aming isinusulong ay pagbabasa or love of reading. Bakit hindi natin dalhin yung learning experience na ‘yon dun s a isang environment na very familiar sila," pahayag niya.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa ngayon, mababasa o mapapanood pa lang ang mga kuwentong Si Mariang Sinukuan; Amansinaya, Yummy Fly Pie, at Mahiwagang Kamiseta, sa mga electronic gadget tulad ng iPad at katulad na software sa cellphone. “We want the application to be open para at least yung mga estudyante natin ngayon yung mga mobile users ma-experience nila yung technologying dumating sa Pilipinas, at alam ko na ang Pilipinas ay ready na rin," ayon kay Richard Grimaldo, Tech Dept ng Vibal. Bukod sa gumagalaw at makukulay ang mga larawan sa e-Book, hina-highlight din ang mga nakasulat na pangungusap habang nakikinig sa kuwento. Bukod dito, bilingual ang e-Book kaya puwedeng mamili kung English o Filipino ang kuwentong nais basahin o panoorin. Ang mga kuwento ay maaaring i-download sa mga cellphone at tablet mula sa website ng publikasyon. - FRJimenez, GMA News Online.

Tags: bagosapinas
LOADING CONTENT