Filtered By: Showbiz
Showbiz

Meet the girl that Azkals' Phil Younghusband wants to date on Valentine’s Day


Idinaan ng sikat na Fil-British football player na si Phil Younghusband ng Pinoy Azkals sa pag-tweet ang pag-invite nito sa isang sikat na aktres na maka-date sa darating na Valentine’s Day. Sa kanyang Twitter account na @PhilYHusband nitong Huwebes ng tanghali, tinanong ni Phil ang aktres na si Angel Locsin kung libre pa ito sa Feb 14: “@143redangel Hi Angel! This Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentines day?" Pagkaraan ng ilang oras ay sumagot naman si Angel sa kanyang Twitter account na @143redangel: “Twitterworld, kalma! :)," ang unang tweet ng young actress. Sinundan ito ni Angel ng direktang tugon sa tanong ni Phil: "hi! this is angel☺ Congrats on your win last night! Tnx for the invite but I have work on valentines.. Let's try another day☺." Ang palitan ng tweets nina Phil at Angel ay nakakuha ng maraming reaksiyon sa kanilang mga tagasubaybay. Mayroon ding pumuna na hindi tama na idinaan ni Phil sa tweet ang pag-imbita sa aktres. Kagagaling lang sa panalo ng team Azkals nang talunin nila ang koponan ng Blue Wolves ng Mongolia nitong Miyerkules sa Bacolod, sa iskor na 2-0. Ang panalo ng Azkals ay para sa pre-qualifying match ng AFC Asian Cup. Muli nilang makakaharap ang tropa ng Blue Wolves sa Mongolia sa Marso. - FRJimenez, GMANews.TV