Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Chariz Solomon tells why she's happy doing supporting roles


Chariz Solomon explains kung bakit hindi dapat minamaliit ang kanyang supporting role sa primetime fantaserye ng GMA 7 na, Machete. Naging tough man ang mga nakaraang araw para kay Chariz ay masaya at positive pa rin siya when it comes to her career. Napapanood siya ngayon bilang matalik na kaibigan ni Rosella sa Pablo S. Gomez’s Machete, and she’s very happy sa takbo ng kanilang show.

“Masaya ako siyempre dahil part ako ng Machete at pumapakak ang ratings dahil maganda ang chemistry [namin] ni Bela Padilla," Chariz said. “Kahit si Ryza [Cenon], ang galing niya." Kapansin-pansin naman kay Chariz na kahit anong role ang ibigay sa kanya ay nananatili siyang professional on set, at kitang-kita din ang kanyang dedication sa role na kanyang ginagampanan. At hindi man bago sa kanya ang pagganap sa supporting role ay naging challenging ang specific role na ito para sa kanya. Kung tutuusin, hindi naman daw naman kasi lahat ng artista ay nabibigyan ng magandang pagkakataon na magkaroon ng ganitong mga show. Yung role ko dito, hindi ako masyadong [nahihirapan], kasi bukod sa ito na talaga yung ginagawa ko since day one ng pag-aartista, siguro nacha-challenge na lang ako kung paano ako makakatulong kay Bela sa mga scenes niya kasi yun yung nakaka-pressure, kapag wala siya mahugot sa’yo kapag crying scenes na," ayon sa dalaga. "Kasi hindi lang naman ‘yan about chemistry sa tawanan, pero kung paano ka makakaambag dun sa scene kahit na dun sa [iyakan]. Kasi yun nga, support ka e, ‘di ba supporting role?," patuloy niya. Hindi man siya ang leading lady ay very memorable naman daw ang mga lines ng kanyang character sa Machete, and the viewers are fond of quoting Chariz sa isang popular social networking site. Ano naman kaya ang pakiramdam ni Chariz dito? “Masaya kasi nakaka-influence ka sa mga tao in a good way, na napapasaya mo sila, and yun, nalilibang mo sila. Kasi kahit sa panonood lang nila ng nakakatawa may magtu-Tweet sa’yo na ‘Napasaya mo talaga ako,’" she shared. “Malaking bagay para sa akin na magampanan ko yung role ko." - Karen de Castro, iGMA.TV