Filtered By: Showbiz
Showbiz

Taylor Swift arrives in Manila for one-night only concert


Nasa Pilipinas na ang Grammy award winning singer-songwriter na si Taylor Swift para sa kanyang one-night only concert na gagawin sa Sabado ng gabi. Sa late-night newscast ng Saksi nitong Biyernes, sinabing lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang eroplanong sinakyan ni Taylor dakong 11 p.m.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Naging mahigpit ang seguridad sa international singer na kaagad dumiretso sa kanyang tutuluyang hotel. Samantala, ilang tagahanga ni Taylor na may bitbit na placards ang naghintay sa labas ng paliparan. Ilan sa kanyang mga album ay ang 'Taylor Swift,' 'Fearless', at 'Speak Now.' Ang “Taylor Swift Live in Manila" concert ay gagawin sa Araneta Coliseum. - FRJImenez, GMA News