Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lady Gaga fan Maria Aragon sings in Ellen DeGeneres show


Tumanggap ng standing ovation mula sa audience ng sikat na Ellen DeGeneres show ang 10-year-old Fil-Canadian fan ni Lady Gaga mula sa Winnipeg, Canada na si Maria Aragon. Kabilang si Maria sa mga sikat na celebrities na naging guests ni Ellen sa kanyang show na ginawang espesyal dahil kaarawan ng host. Kinapanayam muna ni Ellen si Maria bago pinakanta ang hit song ni Lady Gaga na “Born This Way," na nagpasikat sa batang Fil-Canadian nang i-upload sa Youtube ang kanyang video. Sinabi ni Maria na pitong taon na siyang kumakanta. Ikinuwento rin niya ang kanyang naramdaman nang makausap niya sa isang radio station ang idol na si Lady Gaga. TheEllenShow | “It’s not everyday you get to talk to a superstar or you get feedback from a superstar saying that you did great on the cover that’s her song. We talked and she was actually having a bad day and I made her day, and it was really overwhelming," masayang kuwento ng batang Youtube sensation. Mula nang i-upload sa Youtube ang pagkanta ni Maria sa “Born This Way" ni Lady Gaga, umabot na sa mahigit 11 milyon ang nakapanood nito. Nang tanungin ni Ellen kung bakit niya kinanta ang naturang awitin ni Lady Gaga, sagot ni Maria, ““Because of the meaning of the song. It has a great meaning. It’s about just being yourself because God made who you are and you’re no different than anybody else." Bukod kay Maria, naging guest na rin sa show ni Ellen ang iba pang sumikat na Pinoy singers tulad nina Charice Pempengco at Arnel Pineda. - FRJimenez, GMA News