Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dina Bonnevie turns emotional when asked about living alone


Hindi napigilan ni Dina Bonnevie na maiyak nang matanong kung paaano siya nag-aadjust sa buhay na mag-isa ngayong may kanya-kanyang pamilya na ang dalawa nilang anak ni Vic Sotto. Kamakailan lang ikinasal si Oyo Sotto sa aktres na si Kristine Hermosa, samantalang buntis sa ikalawang pagkakataon si Danica Sotto na asawa ng basketball player na si Marc Pingris. Matagal ng hiwalay sina Dina at Vic, kaya naman may kanya-kanya ring silang bahay na inuuwian. At ngayon nga na may kanya-kanya ring pamilya ang kanyang mga anak, hindi naitago ni Dina ang pangungulila. “Minsan may days talaga na…naku," naluluhang panimula ni Dina sa panayam ng entertainment talk show na Startalk TX nitong Sabado.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Minsan nasa bahay lang ako, yun bigla kong naiimagine na meron akong nadidinig…sasabihin ko sa maid may nagtimbre, nandyan yung mga bata narinig ko yung kotse, tapos wala," kuwento niya. Aminado naman si Oyo na naiisip din naman nila ni Danica ang pag-iisa ng kanilang mga magulang ngayon nakabukod na rin sila. “Nag-uusap nga kami ni Tin (palayaw ni Kristine) minsan saka ni ate (Danica) na isipin din natin yung feeling nila. Paano kaya yung pagtanda natin tapos yung mga anak din natin yung mag-asawa," ayon kay Oyo. “Kasi like ni Daddy (Vic) naiisip ko rin na ang laki ng bahay niya sa Ayala, Alabang tapos siya lang mag-isa, so alam ko minsan nalulungkot din siya," dagdag ng aktor. Sa naturang ulat, sinabing medyo nanininbang pa rin daw si Dina sa pakikitungo sa Kristine. “Kasi like yesterday, sabi nga ni Tin nagpa-practice na ‘ko to call you Mama ‘D.’ Kasi palagi siyang Tita, tita, sabi ko, ‘don’t call me tita, call me Mama ‘D." kwento ni Dina. Inamin din ni Oyo na sila man ni Kristine ay may pagkakataon na naninibago pa bilang couple. “May mga time na gigising kami sa umaga tapos magtitinginan kami na parang…’mag-asawa na nga pala tayo.’ Parang may ganun na feeling," pahayag nito. - FRJimenez, GMA News