Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera named sexiest actress in Philippine showbiz


Nanguna ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa listahan ng mga pinaka-sexy na artista sa bansa, ayon sa isang entertainment magazine. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na 25 ang pangalang bumubuo sa listahan ng sexiest actresses ng Inside Magazine. Ayon kay Wilson Flores, editor-in-chief ng magazine, hindi naging madali ang pagpili nila sa mga artista para mabuo ang listahan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Nung shoot naming kay Marian Rivera, very sexy yung personality niya. In the sense na may great sense of humor, iba yung personality niya, talagang hot and sexy siya in more than physical way," paliwanag ni Wilson sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Bukod kay Marian na bida sa inaabangang epicserye ng GMA 7, na Amaya, ang iba pang Kapuso stars na kasama sa listahan ay sina Iza Calzado, Lovi Poe, Sam Pinto, Rufa Mae Quinto, Jennylyn Mercado, Iwa Moto, Jackie Rice, Daiana Menezes, Solenn Heussaff, at Rhian Ramos. Masaya si Rhian at itinuturing complement ang pagkakasama niya sa listahan dahil hindi raw niya itinuturing ang sarili na swak sa tinatawag na sexy. - FRJimenez, GMA News