Filtered By: Showbiz
Showbiz

Sam Pinto speaks up on ‘kissing photo’ with Simon Atkins


Nagsalita na si Sam Pinto tungkol sa kumakalat na larawan sa Internet kung saan isang babae ang kahalikan ng basketball player na si Simon Atkins. “All I can say is, it’s true. It’s me and that’s him," pahayag ni Sam sa GMA News TV 11 celebrity talkshow na In the Limelight nitong Miyerkules. Inamin ng magandang aktres na naging sila ni Atkins, player ng De La Salle University sa UAAP. Pero matagal na raw ang naturang larawan na kumakalat ngayon sa Internet.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Gayunman, kahit hindi na sila, nananatili naman daw silang magkaibigan ni Atkins. “We’re good friends now, that was two years ago na," kuwento ni Sam. Kinimpirma rin ng Kapuso star na makakasama siya sa inaabangang fantaserye na Captain Barbell na pangungunahan ni Richard Gutierrez. Ayon kay Sam, kabilang siya sa mga superhero sa Captain Barbell kaya mayroon din siyang kapangyarihan sa naturang TV series. - FRJimenez, GMA News