Filtered By: Showbiz
Showbiz

iGMA: Iwa Moto on Dennis Trillo and Heart Evangelista


Onscreen ay kaagaw ni Lucille ang kapatid na si Yna sa puso ni Lyndon sa Dwarfina. But offscreen, Iwa is very happy to be working with both Dennis and Heart .

Napapansin ba ni Iwa na tila package deal na sila ni Dennis, at palagi niyang inaagaw ito sa kanilang mga naging shows? “Hindi, mahilig lang po talaga silang i-pair ako kay Dennis!" sagot niya.“Andami na nga, ano? Oo nga, andami na nga!" Bakit kaya sa tingin niya ay paborito siyang kuning kontrabida para sa mga shows ni Dennis? “Mukha daw po kasing inaapi ko din si Dennis. Kaya alam niyo yun, para mukhang kawawa daw si Dennis, dual-purpose daw ako e. Para kay Dennis at saka dun sa bida," pagbibiro niya. May nagbago ba kay Dennis mula nang nang makatrabaho ni Iwa ang binata? “Alam mo mula nung nakilala ko siya, wala siyang pinagbago." Paglalahad niya. “[Yung] attitude niya. Yung ugali niya nung bago pa lang ako, nung Mahawi Man Ang Ulap, sobrang bait niya sa’kin. Yung tipong, ‘O, kumain ka na ba?’ Maalaga siya. Sa lahat maalaga siya. Tapos hanggang ngayon, ganun pa rin siya. Yung iba kasi, lalo na \pag naabot na talaga yung kagaya nung naabot niya, lumalaki ang ulo. Sa kanya hindi siya nagkaroon ng hydrocephalus." Samantala, very thankful naman siya kay Heart na nagsilbing mentor niya noong mga panahong bago pa lang siya. “Alam mo, malaki ang naitulong sa’kin ni Heart mula nung Luna Mystika. Siya ang nagturo sa’kin na kailangan alagaan ko yung sarili ko, kailangan maging confident pa ako sa sarili ko, at the same time, kailangan maging masaya ako sa ginagawa ko. Andami kong natutunan sa kanya na alam mo yun, hindi ko akalain na makaka… Dati pinapanood ko lang siya nung bata ako, so ayun, ngayon kasama ko na siya," masayang kuwento ni Iwa. -Karen de Castro, iGMA.tv
Tags: iwamoto, dwarfina
LOADING CONTENT