Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ryan Agoncillo will not stop wife Judy Ann from working again


Hindi raw hahadlangan ni Ryan Agoncillo ang asawa na si Judy Ann Santos sakaling magdesisyon na itong magtrabaho at bumalik sa showbiz. Sa unang on-cam interview matapos manganak kay Baby Lucho last year, isang masayang Juday ang nakapanayam ni entertainment reporter Nelson Canlas, kasama si Ryan. Ayon sa mag-asawa, masaya at maraming pagbabago sa kanilang buhay sa pagdating ni Lucho. Pero hindi naman daw nila pinapabayaan ang isa pa nilang anak na si Yohan, na hindi umano maaalis na magselos sa bagong kapatid. “Maraming pagbabago kasi this is the first time yung breast feeding and then waking up early in the morning, giving him a bath, but it all…lahat naman ‘yon pinaghandaan ko," pahayag ni Judy Ann sa Chika Minute ng GMA News 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Inamin naman ni Ryan na natakot siyang kargahin ang bata noong unang mga linggo pa lamang ni Lucho. “The first few weeks pinapakarga nila sa’ken pero siyempre takot ako dahil parang ang delicate. Pero siguro after the first month na okey na, lalo na ‘to lately nag-five months na si Lucho, pwede nang balibagin, yun na, lagi ko nang kinakarga. Nakikiagaw na ‘ko sa karga," kuwento ni Ryan. Upang mabigyan naman ng kontribusyon sa pag-aalaga kay Lucho at maalis ang selos, sinabi ni Juday na tinuruan niya si Yohan na magtimpla ng gatas para sa kanyang bunsong kapatid. “Nai-explain namin sa kanya na you’re baby number one, and Lucho is baby number two. Tapos tinuruan ko siyang gumawa ng gatas ni Lucho, minsan siya yung nagpapalit ng diaper ni Lucho. So binibigyan namin siya ng contribution sa pag-aalaga kay Lucho," dagdag ng aktres. Posible raw isang taon pa bago bumalik sa showbiz si Judy Ann. Sa ngayon, nagpapapayat muna at sumusubok ng mga diet at exercises ang aktres. Hindi naman daw hahadlangan ni Ryan sakaling magpasya si Juday na magtrabaho na muli. “Okey lang, kahit anong gusto niyang gawin. Kasi yun naman yung promise ko kanya bago kami magpakasal, na walang pressure. Kung bored na siya sa bahay gusto na niyang magtrabaho e ‘di go ahead," paliwanag ni Ryan. – Fidel R Jimenez, GMA News