Filtered By: Showbiz
Showbiz

No third party in Michelle Madrigal, Jon Hall break-up


Mutual decision at wala raw ibang taong sangkot sa nangyaring hiwalayan nina Michelle Madrigal at Jon Hall. Pero kahit nag-break na, nananatili namang magkaibigan sina Michelle at Jon na kapwa naging castaways sa Survivor Philippines Celebrity Showdown, ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago. “Mutual decision naman yung paghihiwalay namin ni Jon, friends pa rin naman kami. So ang gusto ko lang ngayon work lang muna," pahayag ng seksing aktres sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Ayon naman kay Jon, nananatili ang pagmamahalan nila at komportable sila ni Michelle sa isa’t isa kahit tinapos na nila ang mahigit dalawang taong relasyon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Katunayan, nagkita at nagbatian pa ang dalawa sa isang pagtitipon ng mga artista. Idinagdag ng hunk actor-model na mas mabuting maghiwalay sila ni Michelle na magkaibigan kasya antayin pang kasuklaman nila ang isa’t isa. Mga naipong maliliit na bagay na hindi napagkasunduan ang itinuturo nilang dahilan ng kanilang paghihiwalay. Nang tanungin kung may pag-asa pa bang magkabalikan sila, sinabi ni Jon na hindi niya isinasara ang pinto sa anumang posibilidad. Habang hindi naman daw handa pa si Michelle na pumasok sa panibagong relasyon. - FRJImenez, GMA News