Filtered By: Showbiz
Showbiz

American Idol: Thia Megia among the ‘Bottom 3’ for the first time


Nakasama sa “Bottom 3" sa unang pagkakataon ang Filipino-American na si Thia Megia sa pagpapatuloy ng sikat na singing contest sa US na American Idol Season 10. Kasama si Thia sa tatlong Idol contestants na may pinakamababang boto kahit naging maganda ang comments sa kanya ng mga judges na sina Jennifer Lopez, Randy Jackson at Steven Tyler sa nakaraan niyang performance sa Motown tribute. Inawit ng youngest Idol contestant na si Thia ang “"(Love Is Like a) Heat Wave" ng Martha and the Vandellas. "Now I feel like we're scratching the surface with you. It was great to see you let loose like that--who knew you had that in you?," sabi Jennifer kay Thia. "The reason you're here is we knew you had it in you. It's about taking chances...You just have to believe," ayon naman kay Randy, na sinundan ni Steven Tyler ng: "You've taken a step out, and I love it." Uploaded by Cdplayamericanidol10/American Idol 2011 mowtown Nakasama ni Thia sa bottom 3 sina Stefano Langone at si Casey Abrams na labis din pinuri ng tatlong judges sa nakaraan niyang performance. Lumitaw na si Casey ang may pinakamababang boto sa tatlo, at isinalang sa last-chance performance kung saan inawit niya ang "I Don't Need No Doctor," ni Ray Charles. Muli namang napabilib ni Casey sina Jennifer, Randy at Steven kaya sinagip siya sa elimination, at walang napatalsik sa 11 kalahok. Ang American Idol ay napapanood sa Pilipinas via GMA News TV 11 at sa cable channel na Star World tuwing Huwebes at Biyernes. – FRJimenez, GMA News