Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

"Car Wash Boys" at "Dugyot na Chicharon"


Episode on March 26, 2011 Saturday after Kapuso Mo, Jessica Soho CARWASH BOYS Sa Tondo Manila, isang car wash business ang isinumbong sa Imbestigador. Para raw kasi itong bilanguan ng mga trabahador nila. Pagdating kasi ng buong araw na pagtratrabaho, ikinakandado sila ng kanilang amo sa kanilang mala-bodegang tulugan. Ang masaklap pa, karamihan sa carwash boys na nagtatrabaho dito ay mga menor de edad na galing pa sa Bicol. Abangan kung paano tutuldukan ng Imbestigador ang mapait na karanasan ng mga kabataang ito. DUGYOT NA CHICHARON Masarap at malutong. Ito ang lasa ng chicharon na paborito nating papakin. Pero susubo ka pa ba ng paborito mong chicharon kung mapanood mo ang mga nakunang video ng Imbestigador ? Sa isang pagawaan ng chicharon sa Vitas, Tondo Manila, tumambad sa hidden camera ng Imbestigador ang mga taba ng baboy, animoy palay na lang na ibinibilad sa maruming sahig. Ang mantika naman, sobrang itim na sa paulit- ulit nitong paggamit. Pati ang mga kagamitan nila sa pagluluto ng chicharon mapapa "yuck" ka talaga sa dumi. Ano ba pananagutan ng may-ari ng maduming pagawaan?