Filtered By: Showbiz
Showbiz

Marian Rivera dismisses rumored rift with Dingdong Dantes


Matapos hindi makadalo sa anniversary show ng Party Pilipinas last Sunday si Dingdong Dantes, agad na kumalat sa isang social networking site ang intriga na nagkaroon ito ng matinding away sa girlfriend na si Marian Rivera. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na nagatungan pa ang hinala tungkol sa away ng dalawa nang umalis kaagad si Marian matapos ang kanyang opening number sa Party Pilipinas. Pero sa story conference ng movie na Temptation Island nitong Martes ng gabi, natawa lang si Marian nang ipaliwanag ang dahilan kung bakit hindi nakarating si Dingdong sa Party Pilipinas at kung bakit mabilis siyang umalis sa show. Ayon sa Kapuso primetime queen, hindi nakarating si Dindong sa Sunday variety show dahil nagkasakit ito.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Pagkatapos ng number ko sabi ko hindi na ko magko-closing kailangan ko nang alagaan si Dong, pinuntahan ko, dinalhan ko ng food," pahayag ni Marian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Dagdag pa ng aktres, very much in love daw sila sa isa’t isa kaya hindi mangyayari na mag-aaway sila. Samantala, excited na raw si Marian sa remake ng Temptation Island kung saan makakasama niya sina Heart Evangelista, Lovi Poe at Solenn Heussaff. Sa naturang movie, magkakaroon sila ng sabunutan scene ng kaibigang si Lovi. “Yun (si Lovi) ang pinaka-close ko sa lahat, ‘yon pa talaga yung kasabunutan ko, nakakaliw. At least kung may mangyari man, alam naman na hindi sadya, trabaho lang," ayon kay Marian. Bukod sa Temptation Island, abala rin ngayon si Marian para sa Kapuso epicserye na Amaya. Sisimulan na rin ang shooting niya para sa film fest movie nila ni Sen Bong Revilla, na Ang Panday. May panahon pa kaya sila ni Dingdong na makapagbakasyon this summer? “Aayusin din namin yung schedule namin para kahit papano naman makapagbakasyon naman ako kahit tatlong araw lang," ayon sa seksing aktres. – FRJimenez, GMA News