Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice joins Salma Hayek in Hollywood movie


Tuloy-tuloy ang pagsikat ng Pinay international singer na si Charice Pempengco. Pinaghahandaan niya ngayon ang kanyang second Hollywood movie kasama si Salma Hayek. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing kinumpirma mismo ng ina ni Charice na si Mommy Rachel ang gagawing pelikula ng anak sa Hollywood. Makakasama umano ni Charice sa movie na Here Comes the Boom, ang premyado at Mexican sexy actress na si Salma Hayek.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ang naturang movie ay sinasabing ipalalabas next year. Noong 2009 ay nagkaroon ng cameo role si Charice sa sequel ng live-action animation movie na Alvin and the Chipmunks. Bukod sa pelikula, inaabangan din muling paglabas ni Charice bilang si Sunshine Corazon sa sikat na musical series sa US na Glee. - FRJimenez, GMA News